3

29 4 0
                                    

[ Annyeong Korea! ]

Chantrea Maori's POV

Katititig ko sa buwan kagabi hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mata ko.

"Ma... 5 minutes pa." Inaantok na saad ko at humarap sa kabilang banda nang sa ganoon hindi ako masilawan ng araw.

Ansakit ng mata ko, dahil siguro halos mag aala una na'ko nakatulog kanina.

"Mao gising na, kakain na tayo!" Napabalikwas ako sa kama ko ng marinig ang boses ni ate Heidi.

Oo nga pala, hindi ko na pala kasama sila mama.

Kumalam ang sikmura ko ng maamoy ang sinangag at ilog na sa tingin ko umagahan namin.

"Opo! Papunta na po!" Kaagad kong inayos ang higaan ko at bago bumaba sa kama. Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at mag mumog bago pumunta sa maliit na lamesa.

At tama nga ako, sinangag at ilog ang kakainin namin ngayon.

"Ako na pong mag titimpla ng kape." Pag prepresinta ko. Sumang ayon naman sila kaya nag simula na akong mag timpla ng kape.

Napansin ko na iilan palang pala ang pagkain namin dito sa ref, siguro good for 1 month lang ito.

Nang matapos ko na ang pagtitimpla ko ay isa-isa ko itong inilapag sa lamesa at kasabay non ay ang pag upo rin nila ate Glaiza.

"Kakailanganin na talaga nating makahanap ng part-time, bibilang lang yung mga pagkain sa ref." Saad ni Ate Heidi at lahat naman kami sumang-ayon.

Magsisimula na sana kaming kumain ng may kumatok sa pintuan.

"Ako na po." Prisinta ni Aira. Si Aira ang pinaka bata samin ngayon lima. Si ate Renalyn, Glaiza at Heidi mag kakabatch lang at kasalukuyang 4th year college samantalang ako nasa 3rd year college at si Aira ay 1st year college.

"Kakain kayo na wala kami?" Saad ni kuya Ethan.

Sila pala, si kuya Ethan at si Vincent. Si Vincent kabatch lang din siya ni Aira. Bale pito lang kami ang tumuloy dito sa dorm since yung apat may kamag-anak daw sila dito sa Korea.

"Aba bakit may ambag ka ba Ethan ha?" Tanong ni ate Heidi.

"Kagwapuhan." Nag pogi sign pa ito kaya nabatukan siya ni ate Heidi.

"Ang yabang mo."

"Oh siya Vincent maupo ka na sa tabi ni Aira." Sumunod naman si Vincent kay ate Renalyn.

"Tama na yan Ethan at Heidi, pag kayo talaga nagkatuluyan." Pang asar pa ni ate Glaiza kaya kaagad namang umiwas ang dalawa at nag wika ng

"Ew. No way!"

Ship ko talaga tong dalawang to. Lakas maka Tom and Jerry ang peg eh.

"Si Aira at Vincent, hindi dapat natin sila paghanapin ng part-time." Suhestiyon ni kuya Ethan.

May point naman. 17 years old palang sila Vincent at Aira kaya hindi parin talaga dapat na pag trabahuin sila kahit pa part-time yon.

"Pero ayaw rin naman po namin maging pabigat sainyo ate kuya." Nahihiyang turan ni Aira.

"Hey. Hindi yon pabigat, kaming apat ang magiging guardians niyong tatlo habang nandito tayo kaya kailangan namin kayong alagaan." Paliwanag naman ni ate Renalyn.

Tila-Talaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن