1.

59 4 0
                                    

[ Flashback from 10 years ago]


Chantrea Maori's POV

"Saudi Arabia, Riyadh."

Armenia, Yerevan...

Azerbaijan, Baku...

"Maori!" Napahinto ako sa pag kakabisado ng mga capital city ng mga bansa nang tinawag ni Zaynah ang pangalan ko.

"Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko dito at isinarado ang notebook ko.

Actually kabisado ko naman ang mga 'to, sadyang nirerefresh ko lang ang utak ko para sa recitation mamaya.

"May nasagap akong chismis." Pabulong na saad nito bago humila ng isang upuan at itinabi sa'kin.

Ang hilig talaga sa chismis, kaya tayo naging magkaibigan eh.

"Anong chismis nanaman yan? Yung varsity player, may jowang teacher? Narinig ko na yan.." Pabulong na sagot ko naman dito at marahas naman itong umiling.

"Saan mo nasagap yang chismis na yan? Hindi ko nga alam yan."

Tiningnan naman ako nito nang nakakaloko. "Pero anyways back to the real topic, narinig ko na may new visitor daw tayo from Korea." Ah sus hindi naman pala gaano ka interesting-----

"From Korea?!" Halos pasigaw na tanong ko.

Seryoso ba siya? Visitor from Korea?

Sinenyasan ako nito na manahamik kung kaya't mas lalo kong nilapit ang mukha ko sakaniya para sigurado kaming dalawa lang ang nakakarinig ng usapan.

"Ano naman daw ginagawa dito? Legit ba yang source mo?" Inirapan naman ako nito.

"Of course legit source ko! Mukha ba akong chismosa lang?" Tumango naman ako nito kaya hinampas niya ako nang bahagya.

"Pero seryoso, ang narinig ko sa mga seniors natin galing daw yun isang kumpanya sa Seoul. May iooffer rin atang scholarship para sa gustong maging exchange student." Dire-diretsang pagpapaliwanag nito.

Omg? Lumalapit na ba talaga ang pangarap ko?

"Sus baka naman scam yan sis. Impossible." Akala nito maniniwala ako. If meron man, bakit dito sa school namin? I mean, there are a lot of popular schools pero bakit sa'min napiling mag offer ng exchange student?

Kalokohan.

"Guys!" Nagulat naman ako ng slight nang nagmamadaling pumasok yung president namin sa room. Partida, halos ihampas niya yung pintuan sa pader.

Pumunta ito sa harapan at gitna ng silid-aralan namin. Habol-habol rin nito ang kaniyang hininga. Mukhang tinakbo niya yung 1st floor hanggang dito sa 4th floor.

"I have an announcement!" Habol hininga paring saad niya. "W-wait hihinga lang ako."

"Pfft. Kalma lang, Pres!"

"Excited ka masyado, Ms. President"

"Nacucurious tuloy ako. Dapat bongga yang balita ha."

Huminga ng malalim si President. "May papunta raw dito na galing sa malaking kumpanya sa Korea at balak nitong mag offer ng scholarship sa sampung estudyante na gustong maging exchange student. " Mabilis na saad nito.

Napatingin naman ako kay Zaynah at nag kibit balikat lang ito.

"I told you." Pagmamayabng nito.

Tila-TalaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora