9.

25 4 6
                                    

[ Coincidences at a row ]

Chantrea Maori's POV

"Omg Mao! Nasa salas si Sunghoon!" Kilig na kilig na bungad sa'kin ni ate Heidi.

Katatapos ko lang maligo, at kararating lang din naman ni Sunghoon.

Nakaupo ito sa sofa, habang sila ate Heidi at Aira ay nasa gilid lang at tinitigan si Sunghoon.

"Kanina ka pa dito?" Ngumiti naman ito nang tiningnan ako nito.

"Hindi naman. Kararating ko lang din."

"Omyghod! Napakaguwapong nilalang!" Napalingon naman kami Sunghoon nang sabay kay ate Glaiza na kalalabas lang sa kusina.

"Omg! Sinech itong guwapo, Mao? Jowabels mo?" Pasimpleng bulong nito sa'kin. Napatingin naman ako kay Sunghoon.

Buti nalang hindi ito nakakaintindi ng Tagalog.

"Hindi ate..." Nahihiyang tanggi ko. Ramdam ko naman ang pag init ng pisngi ko.

"Pfft. Sabi mo eh."

"Heidi, may toothpast---anak ng---Bat may Koryano dito? " Naputol ang sasabihin ni Kuya Ethan nang makita nito si Sunghoon.

"Who are you?" Tanong ni kuya Ethan na may hawak-hawak pang toothbrush.

Gosh nakakahiya.

"Hello, I'm Sunghoon." Magalang na bati ni Sunghoon sakaniya.

"Jowabels mo, Mao?" Sakin naman bumaling ang atensyon ni Kuya Ethan.

Feeling ko tuloy sobrang pulang-pula na ako ngayon.

"Hindi kuya..." Nahihiyang sagot ko.

"Etchosera to---"

"Napakadaldal mo talaga Ethan." Sinampakan ni ate Heidi ng tinapay ang bibig ni kuya para hindi na ito makapag salita pa.

"Sige na Mao. Mauna na kayo ni Sunghoon, ako nang bahala kay Ethan." Tumango naman sa'kin si ate Heidi.

"Sa true, baka ano pang masabi ni Ethan. Pasmado pa naman bibig niya."

"Hoy anong pasmadogsaizw" Halos hindi na namin maintibdihan ang sinasabi ni Kuya Ethan dahil puno ng tinapay ang bibig nito.

"Sunghoon-Oppa. Tara na?" Tanong ko naman kay Sunghoon.

"Mauuna na po kami ni Mao." Paalam nito kila ate.

"Ingatan mo si Mao!----H'wag kang magulo Ethan ano ba!" Hindi ko mapigilang hindi tumawa sa posisyon nila ate Heidi.

Nakaakbay kasi si ate Heidi sa leeg ni kuya Ethan, at may hawak-hawak na tinapay.

"Mag iingat kayo." Saad naman ni ate Glaiza.

"Ingats ate Mao!" Si Aira.

Halos makahinga naman aki maluwag nang makalabas kami ni Sunghoon sa dorm.

Jusko napaka ingay talaga nila.

"Mabigat ba? Ako nalang magbubuhat." Napatingin naman ako sa bagaheng dala-dala ko.

Actually, medyo mabigat nga kahit na iilang damit lang naman ang dinala ko. Isang swimsuit at iilang damit lang naman ang laman nito.

"Hindi naman keri ko na---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kunin nito sa kamay ko ang bag.

Tila-TalaWhere stories live. Discover now