7.

24 3 0
                                    

[ Something's fishy (?) ]

Chantrea Maori's POV

Isang linggo na rin ang nakakalipas matapos na malaman kong si Park Jongseong pala nang Enhypen ang magiging boss ko. Isang linggo na rin ang lumipas nang makita ko ang Enhypen. Isang linggo lang din noong nakilala ko ang mama ni Jongseong.

Isang linggo lang ang nakalipas pero yung mga pangyayari feeling ko pang isang buwan.

At ngayon, kasalukuyan akong naghahanda para sa pagpasok ko sa eskwelahan.

Oo, ngayon ang opening ng classes namin. Mixed emotions ang nararamdaman ko. Naeexcite ako na kinakabahan, siyempre naeexcite ako dahil marami nanaman akong iba't ibang taong nakakasalamuha at kinakabahan dahil kailangan ko nanamang sanayin ang sarili ko sa new environment.

"Ngayon na pasok mo?" Tanong sa'kin ni ate Glaiza na nagluluto pa para sa almusal namin. Sa aming lahat, ako ata ang pinakamaaga ang pasok at lahat sila mamayang hapon pa.

Ang alam ko pinasadya ni Jongseong ang schedule ko dahil sa hapon may trabaho pa ako sakaniya.

"Oo ate eh."

"Sayang hindi pa ako tapos magluto ng breakfast."

"Sa labas na lang po ako mag brebreakfast." Saad ko dito at dumampot ako ng apple sa lamesa.

At dahil nga halos walking distance lang naman ang school dito mula sa dorm ay nilakad ko nalang. Kinakain ko ang apple na bitbit ko habang naglalakad para kahit papaano may laman naman ang sikmura ko bago pumasok ng school.

"Apple in breakfast, are you serious?" Napalingon naman ako sa boses ng lalaki mula sa likuran ko.

Nakasuot ito ng gray hoodie at jogging pants.

Mukhang kagagaling niya lang mag jogging.

Kahit na natatakpan ng face mask ang mukha nito ay kaagad ko parin naman itong nakilala. Sa tindig palang ng katawan at sa pabango nito.

"Sunghoon-oppa." Wika ko.

Napatingin ito sa apple na hawak-hawak ko at umiling.

"Tara sabay na tayong mag breakfast. May malapit na coffee shop diyan." Saad nito at sa hindi malalamang dahilan ay nagsimula nanaman akong may maramdaman sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag.

Ito ba yung tinatawag nilang butterflies in my stomach?

Lol Maori. Gutom lang yan.

"Okay sige." Pag sang ayon ko dahil nga siguro sa gutom kung ano-ano nalang nararamdaman ko.

At tulad nga ng sinabi ni Sunghoon, hindi nga naman ganoon kalayo itong cafe kung kaya't nakarating naman kami kaagad.

May ganito palang cafe dito?

Hindi ko pa nga siguro nalilibot itong lugar namin.

"Ano sayo? My treat." Napangiti naman ako sa narinig kong My treat. Charot

Napatingin naman ako sa menu at jusko, maski yung kape nila presyong gitno. Eh kung inaya ko nalang si Sunghoon na mag greatest white edi mas nakatipid pa kami.

ㅠ.ㅠ

"Ah hehe. Wala akong mapili. Puwedeng ikaw nalang pumili para sakin?" Nahihiyang saad ko. Sa sobrang mahal kasi ng mga nasa menu, hindi ako makapili. Mas mabuting si Sunghoon nalang ang pumili tutal siya naman ang manlilibre.

Tila-TalaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora