Naalala ko naman ang mga pinagsasasabi sa 'kin kanina ni Ate habang inaayusan. Na baka humahanap lang ng tiyempo si Cedric para pormahan ako.
Sa isip ko ay napailing-iling na lamang ako saka iwinaglit sa isipan ang mga sinabi ni Ate.
"Heh! Puro ka biro!" Masungit kong sabi at katulad niya ay isinandal din ang likod sa railings. Nang igala ko ang tingin sa paligid ay marami ngang tao na nandito ngayon. May ilan na pamilya ang kasama at may iba naman na katulad namin ni Cedric, kaibigan ang kasama o mga kasintahan mismo.
"Let's take a picture..." Pag-aya ni Cedric at inilabas ang cellphone niya.
"Wow! Mas updated pala ang cellphone mo kesa sa 'kin!" Mangha kong sabi nang makita ang cellphone niya. iOS user din pala ang isang ito. Iphone XR 'yong akin, habang iphone 12 naman ang kanya.
"Here..." Nagulat ako nang ibigay nito sa 'kin ang cellphone niya.
"Talagang mapupuno 'to ng picture, Cedric. Full storage aabutin mo!" Sabi ko sa kanya pero mukhang hindi naman siya nabagabag sa sinabi ko at natawa lang.
At iyon nga ang ginawa ko. I took a video first sa view then later on nagselfie kaming dalawa. Isa na roon iyong picture na hawak-hawak ko ang isang pisngi niya habang nakatingin kami sa camera. Siya na nakangiti lamang buong kuha namin ng picture habang ako naman ay puro wacky ang kuha sa sarili. May picture din kami na solo. At isa lang ang masasabi ko, ang galing niyang kumuha! Ipapa airdrop ko 'to mamaya at magche-change ako ng profile picture ko sa account ko.
"Ate, pwedeng papicture po kami?" Sabi ko sa nadaang babae sa harap namin. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ito na hindi itatakbo ang cellphone ni Cedric kaya ito ang pinakiusapan ko na kunan kaming dalawa ng picture ng kasama ko.
"Thank you po!" Pagpapasalamat ko sa babaeng kumuha ng picture sa 'min at kinuha na ulit sa kanya ang cellphone ni Cedric. Ngumiti lamang ito bago umalis.
"Sabi ko naman sa 'yo, full storage aabutin ng cellphone mo!" Hindi pa naman talagang full storage ang cellphone niya pero ang dami na naming kuha. Lumagpas yata ng two hundred ang mga kuha namin.
"It's okay. Don't worry too much about the storage..." Tanging sabi niya lang. Unbothered yarn? "By the way, hindi kapa ba nagugutom?" Tanong niya bigla.
Just when he said that, kumulo naman ang tiyan ko. "Hala, sige! Kain na muna tayo!" Ako na mismo ang nag-aya sa kanyang kumain kami. Maga-alas sais na rin kasi at dumidilim na. At dahil maraming nagpupunta rito ay marami ring nagtitinda ritong stall na pwedeng kainan. Kaya hindi na kami nahirapan sa paghahanap ng pwedeng kainan.
Naghiwalay rin kami saglit ni Cedric. Siya na nagpunta sa isang stall ng mga pagkain habang ako naman ay pumila sa isang pila sa stall ng milktea para bumili. Kaagad naman akong bumalik sa stall kung nasaan si Cedric at nakita siyang nakatingin lang pala sa 'kin mula sa malayo at mukhang binabantayan akong hindi mawala sa paningin niya habang naghihintay sa isang lamesa ng order namin.
"For you," Sabay abot sa kanya ng isang milktea habang ang akin ay iniinuman ko na. "Masarap 'yan!" Sabi niya kasi kahit ano na lang daw ang piliin ko para sa kanya kaya Okinawa Milktea ang binili ko sa kanya at Lush Peach Smoothies naman ang akin.
"Thank you..." Aniya sabay tanggap ng milktea na para sa kanya nang maupo ako sa harapan niya. "Ginagawa pa nila ang order natin." Tumango lamang ako sa sinabi niya.
"Masarap?" Paghihintay ko sa reaksyon niya matapos tikman ang kanya.
Tumango naman siya. "It taste good..."
"Patikim nga!" Hindi ko pa kasi natitikman ang flavor ng kanya kaya iyon din ang pinili ko para sa kanya. "Tikman mo rin 'yong akin!"
Pinagpalit ko ang milktea namin at bago pa man siya makaangal ay sumipsip na ako sa straw ng milktea niya. Nakita ko kung paano umawang ang bibig niya habang nakatingin sa 'kin at kalauna'y ginaya rin ang ginawa ko.
"Mas lalong sumarap kasi may cake 'yang sa 'yo eh. Pinalagyan ko!" Sabi ko naman.
"Masarap din ang sa 'yo..." Aniya. Pareho kaming napatingin sa harap ng stall na pinag-orderan namin nang tinawag na ang table number namin ni Cedric. "Kukunin ko lang ang order natin." Siya na ang tumayo para kumuha ng order namin.
"Thank you!" Pasalamat ko nang nasa harap na namin ang mga inorder naming pagkain. Medyo marami iyon at siya ang nagbayad lahat habang ganda at milktea lang ang ambag ko.
"Let's eat," Nagsimula na nga kaming kumain at habang kumakain ay nag-uusap din kami. May seafood siyang inorder kaya nahirapan ako sa pagbubukas ng crab, sa huli ako ang taga kain at siya ang taga bukas at himay para sa 'kin ng mga seafood.
Lumipas ang kalahating oras ay natapos din kaming kumain. Nagpahangin muna saglit at nilibot ang ilang parte ng lugar bago naisipang umuwi na.
"Thank you, Cedric! Sobrang nag-enjoy ako!"
Sa bilis ng oras ay hindi ko namalayang nakauwi na pala kami sa 'min at ngayo'y nasa harap na ng gate ng bahay namin.
"Sobrang nag-enjoy rin ako ngayong kasama ka, Danise..." Aniya matapos tanggapin ang helmet na ginamit ko. "Sa susunod ulit?"
Napangiti ako saka dahan-dahang tumango. "Sige, sa susunod..." Iyon na lamang ang nasabi ko.
"Pasok kana, para makaalis na ako. Hihintayin kitang makapasok sa gate niyo bago umalis..." Aniya.
"Okay..." May parte sa 'kin na gusto pang manatili muna saglit pero oo nga naman, kailangan niya na ring umuwi. Anong oras na. Baka hinahanap na siya nina Tita at Tito.
Akmang tatalikod na ako ngunit natigil din at muling bumaling kay Cedric na ngayo'y tinatanggal ang helmet. Bahagyang ginulo ang buhok niya at akmang isususot ulit ang helmet sa ulo niya nang pigilan ko siya.
"Cedric!" Muli akong lumapit sa kanya. Mas malapit.
"Yes? May nakali—" Hindi niya natuloy ang dapat ay sasabihin nang dahil sa ginawa ko.
I just kissed him on his cheeks bago nagmamadaling tumalikod at tumakbo papasok sa gate namin.
"Bye, good night!"
What did you do, Alexa?! What's that for?!
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 14
Start from the beginning
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)