CHAPTER 2
Somehow, a small part of me is guilty.
Tapos na kaming kumain ni Betty sa clinic at ngayo'y nasa classroom na namin. Ako na mismo ang nagsabi na hindi na namin kailangang manatili ng matagal sa infirmary, tutal ayos namana ako at hindi gaanong napuruhan kaya hindi pa man dumadating ang teacher namin sa afternoon class ay nasa classroom na kami.
Nakarating sa mga kaklase namin ang nangyari sa 'kin kaya nag-alala rin sila ngunit sinabihan ko silang ayos lang ako para hindi na sila mabahala pa.
Mabuti na lang talaga at nang nasa classroom na kami ay hindi pa dumarating ang unang teacher namin ngayong hapon. Nagkaroon daw ng biglaang meeting ang ibang teacher sa department namin kaya medyo natagalan sila. Ngunit kahit no'ng dumating na ang teacher namin sa Earth Science ay wala sa buong klase ang atensiyon ko.
Ang atensiyon ko ay nilipad ng hangin palabas sa bintana papunta sa room ng mga STEM student.
Did he eat?
A part of me is thinking that he didn't. Ang mga taong katulad niya ay kilala sa pagiging "time is gold". He must also be that type of person na mas priority ang mahahalagang bagay. Ano bang mahalaga sa taong katulad niya? Academics. The class.
Yet he choose earlier to brought me in the clinic... Where in the first place, it's not actually his responsibility anymore.
Wala naman siyang kasalanan kanina. In fact, nadamay lang siya. Ako pa nga ang may kasalanan dapat sa kanya dahil nabunggo ako sa likod niya. Masyado nga lang matigas ang likod niya at medyo napalakas naman ang pagtutulakan kanina sa likuran kaya grabe ang naging impact sa 'kin at nagdugo ang sensitive kong ilong.
Dahil sa nangyari ay hindi tuloy siya nakabili kanina sa canteen ng lunch niya. Kung kailan malapit na kami, gano'n pa ang nangyari.
I have this feeling na hindi tuloy talaga siya nakakain ng lunch niya.
Bakit ganito? Nakakakonsensya...
Sa bilis ng takbo ng oras ay hindi ko namalayang tapos na ang isang subject namin ngayong hapon. Isang subject na lang at uuwi na kami.
FABM na naman...
Ang kaninang maingay naming classroom ay biglang natahimik nang pumasok ang isang pamilyar na matangkad na lalaki. Dala-dala ang isang bag ng laptop at sa kabilang kamay naman ay mga yellowpad paper na paniguradong mga paper namin noong huling quiz sa FABM1.
Tahimik at maingat niyang inilapag sa lamesa, sa harapan namin ang mga dala niya bago humarap sa 'min.
Kaagad nga lang nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi kaagad siya nakaimik at kinatitigan muna ako ng ilang saglit bago nagsalita.
"Good afternoon, everyone. Please settle down. Mrs. Costillejo will come in a minute." Salita niya sa harapan. "Class president, please maintain the silence of everyone. Mrs. Costillejo is not really feeling well. She might just give you a notes or PPT for her next quiz. Pero papasok pa rin siya. Just please, help her facilitate the classroom and avoid being noisy. That's all, thank you." Napatingin kaming lahat kay Camille, sa class president namin. Saka muli kay Cedric na ngayo'y nagpapaalam na at akmang aalis na sana.
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)