CHAPTER 3
Tapos na akong kumain. Nai-lock ko na rin ang mga dapat kong i-lock kagaya ng habilin ni Ate sa 'kin kanina. May duplicate rin naman siya ng susi kaya makakapasok pa rin iyon mamaya kapag nakauwi na siya.
Tapos na rin akong magpalit ng damit at maglinis ng katawan. Kaya naman ay akmang hihiga na ako sa kama ko nang makita ko ang cellphone ko at naalala ang huling ginawa.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at naupo sa gilid ng kama ko bago tingnan iyon. Gano'n na lang ang biglang pagkalaglag ng panga ko kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko nang makita ang notification ko.
Cedric Costillejo accepted your friend request.
Kinabukasan. Munting na akong malate kung hindi lang ako ginising ni Kuya Rai na isasabay na lang daw niya ako ngayon papunta sa school. Dahil siya ang kasama ay hindi na tuloy ako nakakain ng umagahan dahil sa pagmamadali niya. Pasalamat siya at makakatipid ako kahit papaano kapag hinatid niya ako. At para na rin may silbi ang motor niyang mas ilang beses ng nakasakay ang mga chix niya kesa sa 'min ni Ate.
"Hi, Alexa! Nakapagreview kaba?" Bungad kaagad sa 'kin ni Betty pagka-upo ko sa sariling upuan nang makapasok sa classroom namin.
"Huh? Anong review? May quiz ba?" Lito kong tanong sa kanya. Naguguluhan.
Anak naman! Hindi pa naman din ako nakapagreview!
"Aba malamang! Meron, ate ko! Sa FABM, nag-announce si Mrs. Costillejo kagabi sa gc. Ikaw pa nga unang nagseen sa gc eh! Imposibleng hindi mo alam!" Aniya.
Mariin akong napapikit. Hindi ako nakapagreview!
Hindi na nga nakapagreview kagabi, late pang nagising. Anong kamalasan 'to?
"Hindi ako nakapagreview..." Mahina kong sabi kay Betty. Problemado na dahil puno ang schedule namin ngayon at walang vacant time. Tanging lunch break lang na isang oras.
"Okay lang 'yan! Kopya kana lang sa 'kin mamaya!" Sabi naman ni Betty na kaagad kong inilangan. Ayaw kong madamay siya kapag nagkataon na nahuli akong kumukopya sa kanya at hinayaan niya akong kumopya.
"Huwag na, magrereview muna ako. Wala pa naman 'yong teacher natin sa first subject. Pahiram na lang muna ng notes mo, babasahin ko lang..." Saad ko. Mabait at mabilis kausap si Betty kaya kaagad niyang ipinahiram sa 'kin ang binder niya kung saan nakasulat ang mga notes niya.
"Thank you, Betty..."
Binasa ko lang ang mga iyon para mafamiliarize ko mamaya kapag nagreviw ulit. Hapon pa naman ang FABM namin at last subject na kaya may oras pa akong magreview ulit mamaya kahit papaano.
Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher namin sa first subject kaya ibinalik ko na muna ang notes ni Betty sa kanya at mamaya naman ulit.
Gutom at pagod. Iyan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito nang matapos na kami sa dalawang subject na tigto-two hours at sa wakas lunch break na. Kaagad naman kaming nagtungo ni Betty sa canteen para makapila kaagad habang hindi pa masyadong humahaba ang linya. Mabuti na lang at medyo maaga kaming dinismiss ng teacher namin sa GenMath at pinaglunch na. Ramdam niya sigurong wala na sa klase niya ang focus namin kung hindi ay sa oras na.
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)