Chapter 5

360 6 0
                                        

CHAPTER 5

Hindi kaagad ako nakauwi sa kadahilanang isa ako sa mga sweepers. Nauna na sa 'kin si Betty kaya wala na akong kasabay pauwi. Same route lang ang sinasakyan namin pauwi pero mas una siyang bumababa kesa sa 'kin. Pero dahil nga nauna na siya ay wala na tuloy akong kasabay ngayon sa bus.

At kung minamalas ka nga naman. Medyo makulimlim, mukhang paulan pa yata.

Ang nakakainis, ang tagal pa naman dumaan ng bus na papunta sa 'min. Malapit kasi sa may highway kaya palagi ring traffic at minsan ayaw ikutan ng mga bus at jeep. Lalo na ngayon na rush hour. Maga-alas singko na rin ng hapon. Wala na nga ako sa mismong bus stop dahil inaabangan ko talaga na may dumating na bus at ako ang unang makapasok. Medyo marami na rin kasi kami ritong naghihintay. Mamaya, sasabihin na naman ng conductor na kasya pa ang sampo kahit halos magsiksikan at magpalitan na ng mukha ang mga pasahero. Bahala na kung nakatayo, basta nakasakay na.

Mariin na lamang akong napapikit nang maramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng iilang butil ng ulan sa mukha at katawan ko. Kainis! Wala pa naman din akong dalang payong!

Ngunit kaagad ko ring idinalat ang mga mata ko nang maramdamang wala ng tumatama sa katawan ko na butil ng ulan. Pero rinig na rinig ko pa ang patuloy na pagbagsak ng ulan...

"Cedric..." Sambit ko nang makilala ang taong pinapayungan ako ngayon. Kaming dalawa na ngayo'y parehong nakasukob sa payong na dala at hawak-hawak niya.

Ngunit kaagad ding nawala sa kanya ang atensiyon ko nang makita ko ang isang bus na paparating. Mabilis ko siyang hinila para hindi kami maunahan ng iba at makasakay kaagad.

"Ikaw na ang maupo." Aniya nang makapasok na rin kami sa loob ng bus, sa may pinakadulo. Nga lang, kagaya ng inaasahan ay punuan na iyon at isang upuan na lang ang bakante para sa 'ming dalawa.

"Hindi! Ikaw na!" Tanggi ko pa kahit gusto ko ring maupo. Mukha kasing mas mabigat ang bag niya at malaki pa. Baka mangalay siya habang nakatayo. Traffic pa naman din at mabagal ang usad ng biyahe lalo na ngayong umuulan.

"Ang kulit..." Aniya saka hinawakan ako sa ulo at idiniin pababa, dahilan para mapaupo ako sa bakanteng upuan.

Napanguso naman ako saka siya tiningala na nililigpit ang payong niyang basa ng ulan. Para hindi sabagal sa ibang mga pasaherong nakatayo rin katulad niya at baka mabasa pa ang mga ito ng dala niyang payong.

Hindi nga ako nagkamali na mabagal ang usad. Dahil kahit hindi ko gaanong kita sa malabong bintana ang labas ay kita kong malayo pa 'ko sa 'min.

"Saan ka bababa?" Tanong ko sa kanya.

"Sa may Northsville..." Sagot naman niya habang nakakapit ang isang kamay sa likod ng inuupuan ko. Nakaharap siya sa 'kin. "Ba't mo natanong?"

"Edi ikaw na ang maupo! Sa may Newtown lang naman ako, malayo kapa. Baka mangalay ka..." Akmang tatayo na sana ako ngunit pinigilan niya ako. Hawak-hawak na naman niya ako sa ulo. Mukha tuloy akong batang maliit na pinipigilan niya.

Irita ko siyang tiningnan saka tinanggal ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. Tinaasan lamang niya ako ng kilay.

"It's okay, I can wait hanggang sa may tumayo at bumaba..." Aniya. Saktong tumigil din ang bus at medyo maraming tumayo. Isa na ang katabi kong malapit sa may bintana. Kaagad ko itong pinadaan at nang nalakabas ay kaagad akong umusod sa upuan ng kanina kong katabi na pasahero para makaupo na siya.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now