Chapter 1

755 9 0
                                        

CHAPTER 1

Unang araw pa lang ng pasukan ay wala na ako sa mood. Kahit noong pinag-introduce yourself kami ay sobrang tipid lang ng pagpapakilala ko at ng mga sinasabi ko. Sa kadahilanang ang araw na ito ay mismong kaarawan ko.

Matulog. Iyan pa naman sana ang gusto kong gawin buong magdamag sa mismong kaarawan ko lalo't puyat din ako. May body clock na naman na mababago ngayong simula na ulit ng klase.

Pero hindi naman porke't wala ako sa mood ay hindi na ako namamansin. May ibang kaklase ko na bumati sa 'kin dahil nalamang birthday ko ngayon. Nabanggit ko yata kanina ang araw ng birthday ko kaya binati ako. Iyong iba naman ay talagang binati ako dahil alam nilang kaarawan ko ngayon. Mga dati kong kaklase noong junior highschool na kaklase ko ulit ngayon.

I'm now a senior highschool student taking an academic strand, the Accountancy, Business and Management or also known as ABM for short.

Kung bakit ito ang napili kong strand? Hindi ko rin alam. Ang sabi kasi ng iba, nakakayaman ang strand na 'to kaya ito ang napili ko sa senior highschool.

Hindi pa naman talaga 'to final. Mababago pa naman 'to sa college at baka may magustuhan na akong kurso sa mga susunod na buwan. Pero maganda rin sana kung align sa pinili kong strand ngayon ang pipiliin kong kurso sa college.

Kung magkakacollege...

Sa mga sumunod na araw ay unti-unti nang nagsisimula ang klase namin sa ibang subjects. Unang quiz pa lang namin sa General Mathematics at Fundamentals of Accountancy, Business and Management 1 (FABM1) ay nangulilat na ako.

Mukhang naaamoy ko na ang simoy ng bagsak, first semester pa lang...

Pagod galing sa eskwela ay kaagad akong umuwi deritso sa bahay para makapagpahinga. Nga lang, kaagad na bumungad sa 'kin ang Kuya at Ate ko na nagbabangayan sa sala.

"Ano kaba naman, Rai! Kakapadala lang ni Mama, ubos na kaagad ang allowance mo sa isang buwan? Kakabigay ko lang sa 'yo noong nakaraan ah!" Rinig kong singhal ni Ate Annika kay Kuya Rai. Nakatayo siya sa harap nito habang nakaupo naman si Kuya at nakayuko habang sinisermunan ni Ate.

"Rai naman! Matuto ka namang magtipid! Hindi porke't nasa ibang bansa si Mama, mayaman na tayo! Nasa abroad si Mama para masustentuhan ang mga pangangailan natin dito sa Pinas! Para mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Please lang, magtino ka naman! Ang dami mong gasto eh puro naman palakol ang mga grado mo! Ano bang pinagkakagastusan mo?!" Patuloy pa ni Ate. Hindi na nakaimik si Kuya. Ako naman ay tahimik na lamang na dumiretso sa kwarto ko dahil gusto ko munang ihiga ang sarili sa kama ko at nang mahiga.

Nga lang, kababagsak ko lang ng katawan ko sa kama ay narinig ko na ang cellphone ko na tumunog. Senyales na may tumatawag.

"Hello, Ma..." Sagot ko sa tawag ni Mama.

"Hello, anak? Kamusta? Nakauwi kana ba galing sa school? Ang Ate mo nasaan?" Boses ni Mama sa kabilang linya.

"Opo, kakauwi ko lang. Okay lang din po ako. Medyo pagod nga lang galing sa school." Sabi ko naman, nasa kisame ang tingin at nakahiga. "Nasa baba po si Ate, 'Ma. Kausap si Kuya. Bakit po?"

"Gano'n ba? Tumawag kasi ako at hindi niya sinasagot ang tawag ko..."

"Baka iniwan niya po sa kwarto ang cellphone niya. Sasabihan ko na lang si Ate na tumawag ka..." Saad ko kay Mama. Nag-usap pa kami saglit ni Mama bago naputol ang tawag.

Iyon nga ang ginawa ko. Kahit at pagod at tamad pang bumangon ay lumabas ako ng kwarto ko ng naka-uniform pa rin saka bumaba. Para lamang mabungaran ang dalawa kong nakakatandang kapatid na hindi pa rin tapos. Sinisermunan pa rin ni Ate Annika si Kuya Rai habang nanatiling tahimik pa rin ang huli.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now