CHAPTER 10
Nang makalabas ng national bookstore ay sobrang laki ng ngiti ko. May tatlo akong bagong libro!
"You looks so happy," Pansin ni Cedric habang nasa isang fast food na kami ngayon, naghihintay ng order namin.
Ngumiti ako sa kanya. "Nilibre mo 'ko eh!" Sino ba namang hindi matutuwa?
"I should treat you more often, then." Aniya dahilan para manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Huy, huwag! Hindi naman ako abusado. Saka nakakahiya sa 'yo!" Kaagad kong sabi. "Medyo nakakakonsensya nga eh, lumagpas sa isang libo ang nabayad mo sa tatlong libro ko!" Saka napanguso.
"It's okay, Danise. I'm fine with it as long as you're happy with those books." Aniya saka ngumiti, sumilip tuloy ang maliit niyang biloy sa kanang pisngi.
"Baka naubos ko na 'yong pera mo diyan. Ako na magbabayad sa pagkain natin."
Umiling ito. "Don't worry, I still have money. I told you, ililibre kita ngayon."
"Thank you, Cedric." Pagpapasalamat ko.
Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagkakagastusan ng ganito ngayon. Dapat nga ay naghahanap na kami ngayon dito ng lugar kung saan tahimik at pwede niya ako turuan pero mukhang pati siya ay nakalimutan na rin. Hindi ko na rin pinaalala sa kanya dahil may parte sa 'kin na gustong ganito muna kami, na hindi lang kami nag-uusap tungkol sa mga tinuturo niya sa 'kin. It sounds selfish pero bahala na.
Umiling ulit ito saka ngumiti. "No worries..."
Ilang saglit pa ay tinawag na ang table number namin at kaagad na tumayo si Cedric para kunin ang mga order namin.
We eat, we talked, and we laughed. Just how fast the time, na noon halos hindi kami nagpapansinan sa loob ng campus pero ngayon ay medyo nagiging mas komportable na kami sa isa't isa.
Hindi lang doon natapos ang lahat, nagpunta rin kami sa arcade, sa may time zone. Pera ko ang ginamit namin sa mga tokens. Nagtalo pa nga kami pero hindi na rin siya nakapalag nang nagpumilit ako na libre ko na ang pang-arcade namin dahil halos siya na ang kanina pa gumagastos.
"You loss!" Asar niya sa 'kin matapos niya akong matalo sa nilalaro namin.
"Ang daya!" Reklamo ko. "Ulitin natin!"
We had fun. Tawa lang kami nang tawa sa tuwing may natatalo sa 'min saka inaasar ang isa't isa. Walang pakialam sa paligid kahit may iba ng nakatingin sa 'min na naglalaro.
Sinubukan din namin ang isang claw machine. Si Cedric ang sumubok at nang makakuha ay kaagad na ibinigay niya sa 'kin ang nakuhang stuff toy.
"Thank you!" Tuwang-tuwa kong tinanggap ang ibinigay niyang stuff toy at niyakap ito. Rabbit iyon na may hawak na isang carrot. Ang cute!
Sunod naman naming pinuntahan ay ang Photoism. Ilang pose ang ginawa namin habang nakaharap sa camera. May isa pa nga kaming pose na binuhat niya ako sa likuran niya habang pareho kaming naka wacky sa camera. May mga anek-anek din na pwedeng isuot kagaya ng mga shades na may iba't ibang design at iba pa.
"I'll post this to my socials, is that okay?" Kalauna'y tanong niya matapos naming picturan dalawa ng mga cellphone namin ang photo paper na hawak-hawak habang kinukuhanan ng litrato. Dalawa iyon kaya tag-isa kami. Sa isang photo paper ay may apat na litrato namin.
Napatingin ako sa kanya. "Basta walang magagalit." Saad ko at muling tiningnan ang kuha namin sa Photoism.
"Magagalit ka ba?"
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)