CHAPTER 4
Banas na nga, mas lalo pa akong nabanas.
Kakatapos ko lang kumain. Tipong ang sarap ng ulam tapos 'yong kanin parang sopas na. Paano, sa sobrang galing ng nagsaing, ginawang lugaw ang kanin sa dami ng nilagay na tubig. Akala niya siguro lugaw ang lulutuin niya.
"Ano ba, Kuya! Lumabas ka nga! Isturbo mo!" Naiinis kong sabi habang hinihila ang paa niya paalis sa kama ko. Paano, ako naman ngayon ang hinihingan ng pera. Mangungutang daw! Na naman!
"Sige na, bunso. Pang yosi lang." Aniya at mas lalong nagpabigat. Dumapa pa talaga sa kama ko at pumikit, tila ninamnam ang lambot ng kama ko. "Ba't ang lambot ng kama mo? Samantalang 'yong sa 'kin ang sakit na sa likod."
"Huh! Pang yosi lang? Lang? Tapos hihingin mo sa 'kin five hundred? Ang mahal naman ng isang kaha?" Sarkastikong wika ko. "Dali na! Alis na sabi!" Iritang-irita na ako sa kanya. Hindi ko pa nga nakakalimutan na lugaw ang pinakain niya sa 'king kanin kanina.
"Utang naman eh. Sige na, bunso. Babayaran naman kita kapag nakasampa na ako sa barko." Aniya saka idinalat ang mga mata. "Gusto mo 'yong five hundred mo, gawin ko pang five hundred thousand eh." Pang-uuto niya pa sa 'kin.
Tiningnan ko siya ng masama, ngunit ngumisi lamang siya. Sa mga sandaling ito, alam niyang nag-iisip na ako at kalauna'y bibigay din.
Eh paano, hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na nangutang siya sa 'kin. Ilang beses na niya akong pinangakuan din noon na babayaran kapag naksampa na siya ng barko. Neknek niya!
Malalim akong napabuntong hininga bago kinuha ang wallet ko sa bag ko. Nakita ko naman kung paano napaupo ng tuwid ang Kuya ko sa kama. Muli ko siyang sinamaan ng tingin bago inangat ang middle finger ko para pakyuhan siya. Ngunit tila wala lang iyon sa kanya at ngumisi lamang.
"Oh!" Padabog kong inilahad sa kanya ang five hundred ko na kaagad naman niyang tinanggap.
"Ayon! Sa wakas!" Natutuwa niyang sabi nang natanggap ang five hundred. "Thank you, bunso! Ang bait talaga!" Aniya saka ako niyakap at bahagya pang ginulo ang buhok ko.
"Sige na, alis na! Isturbo mo talaga!" Sabi ko habang itinutulak na siya palabas ng kwarto ko.
Nang sa wakas ay naitakwil ko na rin siya sa kwarto ko ay nakahinga ako ng maluwag. Kahit kailan ay napaka isturbo niya!
Tiningnan ko ang kama ko, nalukot na ang kumot ko dahil sa paghiga niya kanina. Kainis! Ang ayaw ko rin sa lahat ay 'yong pinapakialaman ang mga gamit ko at nadi-disarrange.
Hinayaan ko na lamang iyon, tutal ay matutulog na rin naman ako mamaya pagkatapos kong magbihis at maglinis ng katawan.
Na hindi kaagad nangyari dahil pagka-upo ko pa lang sa gilid ng kama ko ay kaagad nahagip ng mata ko ang cellphone kong nakalagay sa may bedside table ko. Wala sa sariling dinampot ko iyon at binuksan pagkatapos ay nag-online.
Kaagad namang nakuha ng atensiyon ko ang isang my day. They're giving relief goods to those people na nasunugan ng bahay sa kabilang barangay. At isa sa mga namimigay ng relief goods ay si Cedric.
Cedric Costillejo...
Shit. It's already too late to realized na myday niya pala ang naview ko. And the worst part is... he just posted it one minute ago!
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)