Chapter 11

293 6 0
                                        

CHAPTER 11

Mabilis lumipas ang oras, nang oras na para maglunch ay nanatili na lamang kami ni Betty pareho sa room. Sa classroom na kami kumaing dalawa ng lunch. Sakto at nagbaon din siya katulad ko. Baon pa nga niya ang pinadala sa kanyang ulam ng Mama ng boyfriend niya sa handaan.

Mas mainam na rin munang dito kami kumain sa classroom. Ayaw ko munang makasalubong o makita si Cedric sa kung saang sulok man ng campus. Lalo na dahil nasa isipan ko pa rin ang mga sinabi ni Betty kanina.

"So ayon nga, siyempre hindi ako— Nakikinig kaba, Alexa?" Bigla akong natauhan at napatingin kay Betty na kahit abala pa rin kaming kumakain ay panay pa rin ang pagkukuwento niya ng kung ano.

"Kumain kana lang muna, Betty. Mamaya na ang chika." Saway ko sa kanya dahil mas lalo lang kaming matatagalan matapos kumaing dalawa.

"Hindi ka lang nakikinig eh!" Maktol niya at pinagpatuloy ang pagkain niyang hindi pa nangangalahati dahil panay ang pagsasalita niya.

Napailing-iling na lamang ako sa kaibigan bago kinuha sa bulsa ng palda ko ang cellphone ko nang bigla itong tumunog.

Saglit akong natigilan nang makita kung kaninong message ang nagpop-up.

Cedric Costillejo

Hi, lunch?
Hindi kayo kakain sa canteen ng kaibigan mo?

Alexandria Danise

Hindi na, dito na kami sa room.

Cedric Costillejo

Okay, eat well, Danise:)

Alexandria Danise

Eat well din:)

"Wow! Kahit ako, gaganahan kumain kapag may eat well!" Kaagad kong pinatay ang cellphone ko nang napagtantong nakikibasa na rin si Betty sa chat namin ni Cedric.

"Betty, ano ba!" Inis kong singhal sa kanya.

Humagikhik naman ito. "Ngayon mo 'ko kumbinsihing pagiging magkaibigan lang ang habol niyan sa 'yo kaya nakikipaglapit." Aniya, nang-aasar. "Kaya rin siguro nag-offer na turuan ka sa GenMath. Ayiee!" Sinundot pa ako nito sa tagiliran na kaagad kong ikinaigtad.

"Betty, isa! Tumigil kana nga!" Irita ko ng sabi. Hindi lang dahil sa pang-aasar niya, kung hindi rin dahil sa sinabi niyang unti-unti kong pinaniniwalaan. Na baka... hindi lang pagkakaibigan ang habol sa 'kin ni Cedric.

Ayaw kong umasa. Baka pareho lang kaming naga-assume ni Betty. Baka gusto lang talaga akong kaibiganin ni Cedric. Iyon lang. Walang halong malisya o kung ano.

Mabilis ulit lumipas ang oras. Hindi pa man maga-alas tres ay natapos na ang P.E namin. Aside from P.E uniform, nagdala rin ako ng damit na susuotin ko mamaya papunta sa bahay nina Cedric. Bago daanan nina Ma'am sa labas ng school, magpapalit ako at mag-aayos muna ako ng kaunti.

Gusto ko sanang magtry magmake up, kaso nga hindi ako marunong. May dala naman akong face powder at lip gloss na regalo sa 'kin ni Ate last Christmas, bagong-bago pa at hindi ko pa gaanong nagagamit.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now