CHAPTER 8
"Pasok ka," Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto ko para makapasok siya.
"Uhh... since nandito ka na lang din naman, ituloy na lang natin 'yong pagtuturo mo rito." Usal ko matapos buksan ang bintana sa kwarto ko para maglabas pasok ang hangin.
Sa lahat ng kwarto rito sa 'min, ako lang ang walang aircon dahil hindi ako nagpalagay, mabilis akong lamigin kaya electric fan lang ang meron ako rito.
Sana pala nagpalagay na lang ako. Mukha pa namang naka aircon sa bahay ang isang 'to.
Mabuti na lang din talaga at inayos ko ang kuwarto ko bago umalis kanina papuntang school. Paniguradong nakakahiya kapag magulong kuwarto ang nadatnan niya pagpasok sa loob ng kwarto ko! May times pa naman na naiiwan kong magulo ang kuwarto ko.
"I thought you're not feeling well? You should rest..." Aniya matapos tanggalin ang suot na sapatos at ilagay sa gilid ng lagayan ko ng mga sapatos, sa may gilid ng pintuan.
"Hindi na, ayos na ako. Bigla lang talaga sumama kanina ang pakiramdam ko. Ngayon, nawala na." Hindi naman yata ang pakiramdam ko ang sumama, kung hindi 'yong loob ko.
"Are you sure? Pwede namang umuwi na 'ko at bukas na lang tayo magkita sa coffee shop at doon kita tuturuan. You should take a rest, Danise..." Aniya at akmang kukunin na ang sapatos niyang nakalagay sa gilid ng lagayan ko ng mga sapatos nang pigilan ko siya.
"Teka nga, kanina lang gusto mo 'kong ihatid, hinabol mo pa nga ako. Ngayon na nandito ka sa 'min, gusto mo ng umuwi? Bakit? May kikitain kapa bang iba?" Nangunot ang noo ko. Bahagyang nairita.
Bakit? Kasi magkikita pa dapat sila ng babaeng 'yon? Ng bago nilang classmate?
Humarap siya sa 'kin, hindi na tinuloy ang pagkuha ng sapatos niya. "Danise..."
"Oh sige! Kung gusto mo na talagang umuwi, hindi kita pipigilan—"
"No, I'm staying." Seryoso niyang sabi.
Bahagya pa akong natigilan at natulala saglit habang nakatingin sa kanyang inilalapag ang bag niya sa upuang nasa bedside table ko saka inilabas ang isang extra t-shirt at ang slacks niya.
"Can I use your bathroom? Magbibihis lang ako." Hindi nawala sa mukha niya ang pagiging seryoso.
"Sige..." Iyon lang ang nasabi ko sa mahinang boses saka napayuko, kagat-kagat ang ibabang labi.
"Thank you, mabilis lang ako."
Nang nakapasok na siya sa loob ng banyo ko ay tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Sa panghihina ay napaupo pa ako sa gilid ng kama ko. Hindi maipagkakaila ang labis na pagkakonsensya dahil sa inakto.
Ang tanga mo, Alexa! Ang ayos-ayos ng tungo sa 'yo ng tao tapos susungitan mo lang bigla?
Ilang saglit pa ay tumayo na rin ako at kumuha ng damit sa kabinet ko. Sa kabilang kuwarto na lang ako magbibis. Nang natapos ay mabilis ding bumalik sa kuwarto ko, para lamang makita ang Kuya ko na kinakausap si Cedric na ngayo'y bagong bihis na.
"Bunso, kinausap ko lang itong si Cedric. Nagdala rin ako ng snacks ninyong dalawa." Sabay turo sa maliit na tray na nasa bedside table ko. May pitchel na may lamang juice at dalawang slice ng cake. Mukhang ambagan pa ng mga pinsan namin ang cake na yan at pumuslit lang siya ng dalawang slice para sa 'min ni Cedric.
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)