Chapter 12

259 7 0
                                        

CHAPTER 12

"HAPPY BIRTHDAY!"

Cedric seems so shocked. Lalo na nang makita niya ako. Pero kaagad ding nawala sa kanya ang paningin ko dahil dumapo na iyon sa babaeng kasama niya. Na nasa tabi niya.

It must be... Adele, right? Kung gano'n, ito ang kasama niya pauwi?

Cedric, who's still shocked, walked slowly towards me. Kaagad ko naman siyang sinalubong sa paglalakad papunta sa 'kin.

"Happy birthday..." Marahan kong sambit saka ngumiti nang tumigil na sa gitna para salubungin siya. Isinantabi muna ang biglang naramdaman na hindi dapat. Inangat ko rin ang hawak-hawak kong cake.

"You're here..." Bakas sa boses niya ang hindi makapaniwala. "Nagpunta ako sa classroom niyo after ng class namin pero mukhang umuwi kana. I didn't expect to see you here..." Aniya habang titig na titig sa 'kin. Hindi talaga makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon.

Napatikhim ako saka muling ngumiti. "Well, surprise?"

He chuckled then later on he smiled, ngiting hindi na nabura sa kanyang mukha. "Thank you, Danise. You surprised me, really..."

Pabiro ko siyang inirapan. "Sige na, blow your candle. Make a wish already." Sabay mas angat ng hawak-hawak na cake.

Ang ibang imbitado naman ay ginaguide na ng Mama niya sa hapagkainan ngunit ang mga kaibigan ni Cedric ay napansin kong nanatili pa rin sa sala at nakatingin sa 'min kaya medyo nahiya ako.

"I couldn't ask for more, nandito kana eh..." Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ayon oh!"

"Nice ka, Cedric!"

Kaagad akong napaiwas ng tingin kay Cedric dahil sa mga kaibigan niyang inaasar na kami ngayong dalawa.

"No, I'm wrong. I still have one wish. And I will surely make it happen..." Biglang bawi niya sa sinabi pagkatapos ay hinipan na ang nakasinding kandila sa cake niya.

Mabuti na lang at binalikan kami ng Mama ni Cedric pero lalo lamang akong nahiya nang sabihin nitong tumabi raw sa 'kin ang anak niya at pipicturan niya kaming dalawa!

"Supportive talaga ni Tita!"

Ayan na naman ang kaibigan ni Cedric sa kanya-kanya nilang komento at pang-aasar sa kaibigan.

"Isa pa, mga anak! Cedric, umakbay ka kay Alexa..."

"Ayos lang bang akbayan kita?" Paghingi niya ng permiso bago umakbay sa 'kin na tinanguan ko na lamang.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa hiya. Lalo na nang ginawa na nga ni Cedric ang sinabi ng kanyang ina. Mas nagwala at umingay tuloy ang mga kaibigan niya.

"Are you okay? You looked so stiff..." Bulong ni Cedric sa tabi ko habang kinakuhanan pa rin kami ng Mama niya ng litrato.

"O-Oo, medyo nahihiya lang..."

"Pasensya kana sa mga kaibigan ko." Then I heard him sighed.

"Ayos lang..." Kahit hiyang-hiya na ako!

"Last one, mga anak! Smile naman kayo oh!" Ani Ma'am. Ngayon ko lang napagtanto na isang digital camera pala ang gamit-gamit niya sa pagkuha sa 'min ng litrato!

Ginawa nga namin ang sinabi ni Ma'am. Ngumiti kami pareho sa camera habang naka-akbay pa rin sa 'kin si Cedric.

"Ipaladevelop ko 'to!" Tuwang-tuwa ani Ma'am matapos kaming kuhanan habang tinitingnan ang mga kuha niya sa 'min.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now