CHAPTER 9
Habang naglalakad patungo sa faculty ay panay ang pagdadasal ko na sana hindi matunawan ang magaling kong kaibigan sa mga kakainin niyang pagkain sa handa ng Mama ng boyfriend niya.
Okay na kanina eh. Siguradong-sigurado na siya na sasamahan muna ako bago makipagkita sa boyfriend niya tapos biglang gano'n? Iniwan ako ngayon sa ere?
"Are you okay?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang kasama ko sa tabi ko.
Right. Cedric is here with me.
Who would have thought na dahil sa magaling kong kaibigan na bigla akong iniwan, siya pala ang makakasama ko ngayon? Now we're going to the faculty. Sasamahan niya raw ako.
"Ayos lang ako..." Sagot ko naman kalaunan. "Pwede namang hindi mo na 'ko samahan sa faculty..." Saka napabuntong hininga. Makakaabala lang ako sa kanya.
Umiling ito sa sinabi ko, patuloy pa rin kaming naglalakad. "Sasamahan kita sa faculty..."
"Nakakahiya, Cedric. May practice kapa, hindi ba?"
Ngayon ay napatingin na siya sa 'kin.
"Wala kaming practice ngayon. Ibang mga players sa ibang sports ang nagpa-practice ngayon sa gym." Sagot niya at muling ibinalik ang tingin sa daan matapos ko ring ibalik ang tingin sa dinadaanan namin.
"Ahh... okay." Pero pinuntahan talaga ako sa room namin? Baka napadaan lang din o may ibang sadya?
"Also, tuturuan kita ngayon."
Napahawak naman ako sa batok ko saka tumigil sa paglalakad. Natigil din tuloy siya sa paglalakad at napatingin sa 'kin.
Pansin ko pa kanina na panay ang pagtitig niya sa 'kin ng matagal na para bang may kakaiba sa 'kin ngayon, lalo na sa mukha ko.
May dumi ba sa mukha ko?
"Baka matagalan ako sa loob, Cedric. Pwede namang umuwi kana, bukas na lang." Ayaw kong paghintayin siya sa wala.
Marahan siyang bumuntong hininga. "Ayos lang, maghihintay pa rin ako sa 'yo na matapos. Sabay tayong uuwi."
"Pero—"
"Let's go,"
Natigilan ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at mahinang hinila. Ngayon ay paakyat na kami sa hagdan na dadaanan namin patungo sa ikatatlong floor kung nasaan ang faculty ng mga teacher.
Tuluyan na akong hindi nakaimik, gulantang pa rin habang palipat-lipat ang tingin sa palapulsuhan ko na hawak-hawak ni Cedric at sa likod niya. Kasabay ng nakakabinging paghuhuramentado ng puso ko.
Hanggang sa nakarating na rin kami sa harap ng pintuan ng faculty. Doon pa lang niya tinanggal ang pagkakahawak sa 'kin.
"Cedric—"
"Cedric, hijo. Akala ko umuwi kana? Wala kang practice ngayon, hindi ba?"
Naestatwa ako nang marinig ang boses na iyon. Boses ni Mrs. Costillejo!
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)