CHAPTER 14
Kagaya nang napag-usapan, mga saktong alas kuwatro ng hapon ay dumating na nga si Cedric.
"Halika, pasok ka. Nasa sala na si Ate, naghihintay..." Kaagad kong bungad sa kanya matapos ko siyang pagbuksan ng gate. Hindi na raw niya ipapasok sa loob ng bahay namin sa garahe ang motor na dala niya, sa labas na lang daw.
"Hello, Danise..." Aniya matapos saglit matulala habang nakatitig sa 'kin. "Ang ganda mo..." Nakangiti niyang sabi saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"T-Thank you..." Gano'n din ang ginawa ko. Pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ang gwapo mo rin..." Kagat ang ibabang labi na sambit ko. "At suot-suot mo ang regalo ko sa 'yo!" Natutuwa kong pansin sa suot niya.
Like me, he's also wearing a crochet cardigan. 'Yong niregalo ko sa kanya na pareho ng design sa cardigan na suot ko ngayon, magkaiba lang ang kulay ng amin. Ang inner shirt naman niya ay white v-neck shirt. Sa pang-ibaba naman niya ay light grey sweatpants at white shoes. Mukha tuloy kaming nagplano na parehas ang isususot!
"Sige na, pasok kana..." Pag-aya ko na sa kanya na makapasok sa bahay namin.
"Thank you..." Pagpapasalamat niya matapos ko siyang papasukin sa loob ng bahay namin.
"Ate, nandito na po si Cedric!" Sabi ko kay Ate na abalang nanonood sa t.v namin sa sala. Kaagad naman itong tumingin sa 'min, kay Cedric mismo.
"Maiwan na muna kita, ah? Kukunin ko lang ang mga gamit na dadalhin ko." Paalam ko muna saglit kay Cedric ngunit pinigilan niya kaagad ako at ibinigay sa 'kin ang isang paper bag.
"You left this paper bag sa ilalim ng study table ko kahapon. This is yours, right?" Nawala ang pagtataka ko dahil sa sinabi niya at doon lang din napagtanto na wala akong dalang paper bag kahapon noong umuwi.
"Hala, thank you! Nakalimutan ko!" Sabi ko at tinanggap mula sa kanya ang paper bag na naglalaman ng mga uniform ko sa school at P.E namin. "Iaakyat ko rin muna 'to. Bababa kaagad ako!" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at mabilis umakyat sa taas para magtungo sa kuwarto ko.
Nang nasa kuwarto na ay kaagad ko munang inilagay sa mga labahan ko ang uniform na nasa loob ng paper bag ko at nilagay ang mga sapatos ko sa lagayan ng mga ito. Tinago ko na lang din ang paper bag dahil magagamit ko ulit 'yon sa susunod para paglagyan. Pagkatapos ay kinuha ko na ang sling bag na dadalhin ko at lumabas na ng kuwarto ko, pababa ng hagdan.
Inaasahan kong kikilatisin ni Ate si Cedric kagaya ng sinabi niya. Ngunit nang makababa ako at nakita silang nagtatawanan ay hindi ko maiwasang magtaka kung anong pinag-uusapan nila.
"Ate, alis na kami." Salita ko. "Halika na, Cedric..." Kaagad namang tumayo si Cedric.
"Nandiyan na pala ang kapatid ko." Ani Ate. "Kahit bukas mo na 'yan iuwi, Cedric, ayos lang sa 'kin."
"Ate naman!" Anong pumasok sa utak ng Ate ko para sabihin iyon?!
"Iuuwi ko po siya mamaya ng ligtas." Ani Cedric sa tabi ko. "Alis na po kami..."
"Bye, Ate!" Paalam ko na rin.
"Sige, mag-iingat kayo." Saad naman ni Ate habang nakangiti. "Alexa, ang pasalubong ko!" Pahabol pa niya pero binilatan ko na lamang siya bago nagmamadaling hinila na palabas ng bahay namin si Cedric.
"Helmet, Ma'am..." Sabay suot ni Cedric ng helmet sa ulo ko nang nasa labas na kami ng gate namin.
"Thank you!" Nakangiti kong sabi at umangkas na rin sa motor katulad niya. Dahil hindi na nakadress ay hindi na ako nahirapan pa. Katulad ni Cedric ang pagkakaupo ko sa likod niya.
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)