"Kapit ka..." Aniya pero bago pa man niya sabihin iyon ay nagawa ko na. Nakapulupot na ang dalawa kong braso sa may tiyan niya.
"So, ayon guys, I'm with Cedric!" I said while I'm taking a video during our ride. Hindi gano'n katraffic kaya habang nasa daan kami at mabagal lang ang pagmamaneho niya ay kampante akong hawak-hawak sa isa kong kamay ang cellphone ko at nagvi-video.
"Kuya, saan po tayo?" Gusto kong matawa ngunit pinipigilan ko. Nakatapat sa 'ming dalawa ang cellphone ko kaya kitang-kita kami pareho sa video.
"Busay, Ma'am." Pagsakay naman niya sa trip ko. Mukhang nagresearch nga siya tungkol sa lugar na pupuntahan namin kasi mukhang alam niya ang dinadaanan namin. Nagsend kasi ako sa kanya ng link kagabi ng post na nakita ko noon. Totoong dito nga lang sa lugar namin pero medyo may kalayuan at ilang oras ang byahe.
"Is this your first time too?" I asked him, the video is still ongoing.
"Hindi po. Actually, nakapunta na kami nina Mama dati." Sagot niya. Kaya naman pala mukhang gamay na gamay na niya ang daan para sa isang first timer na magpupunta pa lang. Sabagay, kung first time niya rin ito ay baka magkandaligaw-ligaw kami.
"Ang gwapo ng driver ko, guys! Jojowain or totropahin?" Natatawa kong sabi sa video.
"Aasawahin daw, Cedric!" Pang-aasar ko kay Cedric.
"Mababangga tayo sa mga pinagsasasabi mo, Danise." Ani Cedric at bahagyang tumawa.
"Sus! Kinikilig ka lang eh!" Pang-aasar ko pa sa kanya.
"Kinikilig na nga,"
Napatikhim ako. "Nangangalay na ako, mamaya na ulit mag-video." Saad ko at pinatay na ang video saka ipinasok ulit sa loob ng sling bag ko ang cellphone ko.
"Malapit na ba tayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Mga bandang alas singko siguro, nandoon na tayo..." Aniya.
Napatango ako at muli na lamang kaming nag-usap ng kung anu-anong bagay para hindi siya maburyo habang nagda-drive. Hanggang sa nararamdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa katawan ko. Pansin ko rin na medyo paakyat na ng bundok ang dinadaanan namin at ang natatanaw ko sa paligid ay mga iilang bundok na.
"Cedric, ang ganda!" Hindi ko napigilang hindi mapatili sa nakikita. Ilang saglit pa ay tumigil na ang motor na sinasakyan namin at ipinark niya ito sa bakanteng space katabi ng iilang motor at sasakyan na nandirito rin. Mukhang maraming tao ngayon dito dahil sa dami rin ng sasakyan na nakaparada rito sa bandang ito.
"We're here..." Cedric said.
Bumaba na ako at gano'n din siya. Kanya-kanyang tanggal na ng mga helmet habang excited na excited na ako.
"May alam akong mas magandang spot dito. Halika..." Sabay hawak niya sa palapulsuhan ko. Hindi naman ako umangal at kaagad na sumunod na lamang sa kanya.
"Wow!" Manghang-mangha ako sa paligid at sa sobrang ganda ng view. Dagdag pa na papalubog na ang haring araw! Mas lalong gumanda at nag-aagaw ang mga kulay sa langit.
Napapikit ako habang nakangiti at nakakapit ang dalawang kamay sa railings, ninanamnam ang malamig at masarap na simoy ng hangin.
Nang muli kong idilat ang mga mata ay kaagad na sumalubong sa 'kin ang titig ni Cedric habang nakangiti sa 'kin.
"Sa view ang tingin, Cedric. Hindi sa 'kin..." Nakataas ang isang kilay na sabi ko sa kanya.
Natawa naman siya pagkatapos ay umiling-iling. "Hindi ko mapigilan. Ang ganda ba naman ng kasama ko..." Aniya saka isinandal ang likod sa railings. Pero para lamang mas titigan ako!
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 14
Start from the beginning
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)