"I know right."

Ginandahan ko talaga ang paglalakad. Para naman akong matutunaw sa mga titig niya sa akin.

Napa-ayos siya ng tindig nang makalapit ako sa kanya. Suddenly, a smirked draw in his face. Napangiwi ako sa naging reaction niya.

"You're really disappointing me." Napakunot agad ang noo ko. At pa'no naman ako naging disappointment sa paningin niya gayong ang ganda ko na nga sa suot kong 'to?

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"A-ate, balik na po ako sa loob." Pagsingit pa ni Layla sa amin. Nahihiya naman akong napabaling sa kanya.

"Sige, salamat Layla." Pagka-alis ni Layla ay agad kong binalingan si Klyde ng may kunot na noo.

'Ano na naman ba ang problema niya? Nakakasira siya ng mood'

"Ano?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

Imbis na sagotin ako ay tiningnan niya lang ako na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Napatango-tango pa siya bago niya ako pinagbuksan ng pinto sa kotse.

"Let's go," sabi niya at humarap sa akin.

Hindi talaga ako mapapakali hangga't hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit naging disappointment ako bigla sa kanya.

"Wait me here, I'm going to change."

"Wag na."

"Hindi mo nagustuhan ang suot ko diba?"

"Tskk. Wag na, naisuot muna e."

Ano ba kasing problema dito sa damit ko. Napa unreasonable niya. Tchh. Buweset!

"What's the problem with my dress. FYI, this dress is very expensive and first and foremost this dress I wore is trending worldwide. Palibhasa wala kang fashion." Pagtataray na explain ko sa kanya. Inikotan ko pa siya ng mata atsaka tinaasan ng kilay.

Napa tssk-ed naman siya saka natatawang tiningnan ako.

"Kaya nga ayaw kong magsuot ka niyan dahil nakakasilaw sa mata lalo na sa mga lalaki. Paano ako mage-enjoy kung may mga lalaking aaligid sayo? Gusto mo ba akong makipag-away sa kanila? Cause I'm ready to punch guys." Bigla naman akong natameme sa sinabi niya. Napanganga ako at parang hindi ako makasalita. Masyado akong nilusaw ng mga narinig mula sa mga bibig niya. Napatitig ako sa mga mata niya at seryoso nga siya. Shit! Nagalit ko yata siya. "Sumakay ka na. Bago pa kita gahasain diyan sa kinatatayuan mo." Nagulantang ako at napa-awang ang bibig. Nakakatakot ang mga sinabi at parang hindi nga siya nagbibiro. Napalunok muna ako bago dali-daling pumasok sa kotse.

Hindi ko na magawang umimik hanggang sa pagbyahe at gano'n din si Klyde. Sobra siyang nakakatakot kanina at nagsipagtayuan talaga ang mga balahibo ko. Gayon pa man, gusto ko siyang sipain dahil sa kabastusan ng bibig niya. Kahit talaga kailan ang bastos niya.

Ilang minuto lang at siya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Are you mad at me?" Napansin ko ang pagsulyap niya sa akin pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. "Wifey sagotin mo naman ako. Sorry na."

Hindi ko siya sinagot. Naramdaman ko ang mga palad niya sa kamay ko pero hindi ko pa rin pinapansin.

"Sorry na talaga." Pagmamaka-awa niya pa pero nagmatigas pa rin ako. "Ahh ayaw mo?" Bigla bigla na lang akong napaigik nang dahil sa panghihipo ni Klyde sa legs ko. Tinampal ko ang kamay niya pero hindi parin siya tumitigil. Napakamanyak!.

"Ano ba!? Hindi ka ba titigil Klyde? Nagd-drive ka na nga at may oras ka pa para mang manyak. Pag tayo na aksidente, papatayin talaga kita."

"Hindi mo naman kasi ako sinasagot. Nag so-sorry na nga ako sayo hindi mo parin ako pinapansin."

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon