"Uy, grabe ka naman wifey,"

"Bakit hindi ba?"

Hindi naman siya agad nakasagot at sinamaan niya ako ng tingin na parang dismayado. "Ang sama pala ng paningin mo sa akin. Alam mo bang ang sakit wifey, ikaw lang yung minahal ko ng ganito. Mas minahal pa nga kita kaysa kay Francine tapos sasabihin mo to sa akin? Ang sakit sakit. Huhuuhu.." Sabi niya pa at kunwaring umiiyak. Hindi ko maiwasan ngayon ang tumawa dahil sa ka oa-han niya.

Kunot noo ko siyang tiningnan at hinarap. Magsasalita na sana ako nang may biglang kumatok dahilan para mapalingon kami sa pintuan.

Pumasok ang isang babaeng sumalubong sa akin kanina na secretary ni Klyde. Bahagya pa itong yumukod sa harap namin bilang paggalang.

"President... handa napo ang set para sa shooting ni Miss Ara."

Tinanguan lang siya ni Klyde at sininyasang lumabas. Sumunod naman ang secretary niya. Binalingan ko siya ng tingin at iksaktong sa akin siya nakatingin kaya nagulat ako ng kaunti.

"Why are you staring like that?" Tanong ko sa kanya.

"I'm just thinking."

"Thinking of what?"

"Thinking of what's the taste of your lips." Saad niya na may ngiti sa labi.

Naging mabilis agad ang tibok ng puso ko at nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. Sobra akong nakaramdam din ng hiya.

'Shit'

Hindi ko siya agad na sinagot at napalunok na naman ako ng makaraming beses. Bakit ba kasi ganyan siya magsalita? Parang hindi babae ang kausap niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at kunwaring inayos ang damit kong maayos naman.

"I think I need to go downstairs." Gusto kong murahin ang sarili dahil para akong nauutal sa mga sinasabi ko.

"Okay. Tawagan niyo lang si Jin na secretary ko kung may kailangan kayo o may problema." Tinanguan ko lang siya nang hindi siya parin tinatapunan ng tingin. Hindi na ako nagsalita at deritsong naglakad palabas. Bumaba ako ng hagdanan at doon lang lumuwag ang pakiramdam ko.

Bumuntong hininga naman ako bago pumunta sa model's room. Nakita ko agad si Kif doon na naghihintay sa akin. Agad din nilang sinimulan ang paglalagay ng kolorete sa mukha ko.

Pagkatapos non ay nagbihis ako ng imo-model kong product ng HMC. This is a swimwear clothes. Hapit na hapit sa katawan ko ang damit at lantad ang legs ko. Hindi naman labag ito sa kalooban ko dahil sanay na ako sa ganitong kasuotan. Madalas akong magsuot ng ganito sa beach na pinupuntahan ko.

Agad akong pinaunlakan ng papuri ni Kif pagkalabas ko ng fitting room.

"Grabe ka girl! Ang sexy mo sa suot mo. I'm envious!" He complimented.

Tinarayan ko lang siya at dumeritso sa set na pagsh-shootingan. Agad kong nahuli ang atensyon ng nakakarami. Rumampa ako papunta sa gitna at naghanda ng signal ng cameraman.

"Grabe ang ganda niya talaga."

"Ang sexy niya girl!"

"Look at that skin. So fair!"

Hindi ko pinansin ang mga papuri ng ilan hanggang sa magsimula ang shooting.

"Okay good. Next angle!" Sigaw na utos ng director kaya agad akong nagiba ng angulo.

"Smile ng kaunti Miss Ara!"

"Fierce!"

"Very Good!"

At para sa huling shot ay inunguso ko ang labi ko na parang nagf-flying kiss at inalagay ko ang kanang kamay sa beywang ko. Pinilit kong maging sexy ang shot na iyon since sabi ng director ay yun ang magiging head picture ng isang magazine.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Where stories live. Discover now