'Ano bang nangyayari sa akin? It's not my duty to think of him. Why I'm being so paranoid about things to him.'

Kinuha ko sa lamesa ang pink shoulder bag ko atsaka lumabas ng kwarto. As I ramp my way, I opened my Twitter for the mean time at ganoon na lang ang pagkagulat ko nung makita kong nag trending ako doon.

Trending

3.#ThePrincessOfModellingDating.

8.#TPOMAraAndTheCEO

10.#NewCouple.

Halos gusto kong tumawa. Kahit hindi totoo ang issue ay parang gusto ko ang nangyayari. Napailing iling akong pumasok sa kotse at pinaandar agad ito. Ibinalik ko na ang phone ko sa shoulder bag at nagfocus na lang sa pagd-drive.

This is crazy. Alam na kaya ni Klyde?

Mabilis naman akong nakarating sa gaganapan ng shooting namin. Pagkalabas ko ay nagpalinga-linga ako sa paligid.

Isa itong bahay. Actually, malaki naman at halatang mayaman ang may ari dahil sa ganda ng bahay. Walls are painted with blue and white as combination. Surroundings are filled with different flowers. And most especially there is a pool in the 2nd floor.

Nakatango akong sinalubong ng guards.

"Good morning Ma'am." Nakangising saad ng lalaking guard.

"Good morning." Sagot ko sa kanya. Agad niya akong pinapasok doon.

Bumungad sa akin ang maraming crews na naghahanda na para sa shooting. Napatingin ako sa wrist watch ko at napagtanto na hindi naman ako na late. Lahat sila ay napatingin sa akin at ilang sigundo lang bago bumati.

"Ara!" Napatingin naman ako bandang kaliwa at nakita ko si Kif na papunta sa gawi ko. Agad ko siyang sinalubong ng isang ngiti. "I'm glad to know that you're not late." Napatawa pa siya dahilan ng pagtaas ng kilay ko. "This is a rare happening. Hahahha."

"Whatever. I'm just doing my job." sarcastic kong sabi sa kanya. Nagtataka naman niya akong tiningnan.

"That suppose to be always. If I'm not mistaken, this is your first time not being late." Natatawa niyang sambit. Inirapan ko pa siya dahil sa taray ng pagsasalita niya. "Ahh. Mmm... I think I know the reason behind." Nangilabot naman ako sa sinabi niya. Alam ko kung ano ang iniisip niya kaya pinigilan ko ang sarili kong hindi magreact masyado.

"What do you mean?"

"At nagmama-angan ka pa bakla ka."

"Ano nga?"

"Sabihin mo.... dahil ba kay Mr... Kly----.."

"Shut up Kif." I cut him off before he could utter Klyde's name. Napalunok ako habang palinga-linga sa paligid mabuti na lang at busy ang mga crew. "T-thats not my r-reason. Nagbago lang talaga ako." Pagdedepensa ko pa sa sarili. Inirapan niya naman ako kaya inirapan ko rin siya.

'Buwesit kang bakla ka.'

"Okay. You're being defensive girl. I might think, I'm right." Hindi na ako naka-imik sa sinabi niya. "Hininhintay kana sa loob ng mister the one mo." Dagdag niya pa na agad na nagpalaki ng mata ko.

"Hinaan mo nga ang boses mo." Pabulong kong sabi sa kanya.

"Ahh. I forgot, my issue ka pa pala. Let's talk about it later. Pumasok ka na sa loob."

"Hindi ka ba sasama."

"No, may kakausapin pa ako. Tatawagan ko pa si Celine. Yung make up artist."

Wala naman akong nagawa kundi ang sundin siya. Pumasok ako doon sa loob ng bahay at nakikita kong handa na ang set.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Where stories live. Discover now