"Hello... Yes.... She's here.. Please hurry. Thanks... Bye." Rinig kung paguusap niya sa cellphone. Hindi ko pa rin siya tinignan.

"Papunta na ang make up artist mo. Maghintay ka muna. Pupuntahan ko lang ang event organizer." Baling na saad niya sa akin. Tinanguan ko lang siya at hinintay ang paglabas niya sa pintuan. When I heard the slamming of the door, I immediately fished my cellphone out of my pocket and call Alvin.

"My Princess! How are you?!" Bungad na tanong ni Alvin. Nakaramdam agad ako ng tuwa.

"Heto.. Busy parin... Ikaw, are you okay?"

"Unfortunately Yes, dahil tumawag ka... hihihihi." Dinig ko ang tawa niya sa kabilang linya kaya somehow, I remember his smile with his dimples. Hindi pa rin nagbabago, palabiro pa rin siya.

Naalala ko rin yung Confession niya sa akin nung nandoon pa kami sa province. Simula nung pag-amin niya sa nararamdaman niya nung mismong time na yun, hindi ko alam kong paano ko na siya maa-aproach since may awkwardness na sa pagitan namin but then, I have decided to be brave and approach him first with no awkward feeling so that he may do the same and get back the relationship we had back then.

"Stop kidding. You're always doing that again."

"I'm not kidding my princess. Hahahaha." Natatawa niyang sagot.

"Tss.. Hindi pala a! E bakit ka tumatawa?"

"Bawal ba?"

"Yesssss!!!"

"Okay, if you say so my princess."

Natatawa talaga ako kay Alvin. He is so funny kaya pag kami ang magkausap hindi talaga ako nabo-bored. Mga ilang minuto lang nang makarinig ako ng pagkatok sa pintuan.

"I'll call you later Alvin."

"Sige bye. Ingat ka diyan."

"K. Bye. Ikaw din." Ibinaba ko ang cellphone at ibinalik ulit sa bulsa ko.

"Come in!" Pagpapasok ko sa kumakatok. Bumukas naman ito at iniluwal ang isang matangkad na beki. I think he is my make-up artist.

"Good afternoon señorita!" Bati sa akin nung bading. Pinasadahan ko ang suot niya at masasabi kong fashionista ang isang to dahil sa ganda ng suot niya. He is wearing skinny jeans and an elite floral polo with matching feather sa part ng neck niya.

'Bongga si Inday!'

Nginitian ko siya at tinanguan.

"Naku, tama nga sila Smudrakels na ang ganda mo raw sa personal Miss Ara. You're so gorgeous." He complimented.

"Thanks. You too."

"Naku, Ma'am. I'm sorry to say but I'm much prettier than you. Hehehehe." Natawa ako bigla dahil bigla niyang kinurap kurap ng mabilis ang pilik mata niya na halatang nagpapacute.

Hindi ko siya sinagot at tumawa lang ako dahil puro siya pagpapatawa. Sinimulan niya rin akong e make-up at pagkatapos ay nagbihis na ako ng susuotin.

"Pak!! Bakit parang mas maganda na kayong tingnan kumpara sa akin." Kunwaring malungkot na saad niya sa akin pagkatapos niyang makita ang bihis ko.

"Don't say that Celine. Ikaw pa rin ang maganda sa ating dalawa. Hehehe"

"Juskoo po! Kung lalaki lang talaga ako, liligawan talaga kita bakla!! Nakakaingit ka naman Miss Ara."

"Che! Lalaki ka naman talaga. So that means puwede mo akong ligawan." Pilya akong ngumiti sa kanya habang pinapadaloy ang kamay ko pababa sa kanyang dibdib. Kita ko naman ang pandidiri sa kanyang mukha at pagkagulat kaya mas lalo akong napatawa.

"Yuckkkk. Eww.. sorry Miss Ara. You're not my type kahit gaano ka pa kaganda hindi pa rin mababago ang taste ko. Gusto ko ng brusko at machong katawan and obviously lalaki ang gusto ko. Duh!" Mataray niyang saad at lumayo sa akin ng konti.

"Okay. Just joking Celine."

"Ano ba yan Miss Ara. Nakakadiri naman kasi ang joke mo."

Nagtawanan lang kami ni Celine hanggang sa dumating si Kif. Mangha siyang tumingin sa akin at pinasadahan pa talaga ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

'I know, I look pretty. Tss..'

"Hindi parin talaga kumukapas ang ganda mo teh!" Sabi niya habang pumapalakpak. Binalingan niya naman si Celine.

"Thank you Celine. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sayo bilang make up artist ni Ara. Congratulation! Dagdagan ko ang tip mo mamaya."

"I know Kif. Ako pa. Hindi naman kasi mahirap pagandahin si Miss Ara dahil nature na sa kanya ang pagiging pretty. Duh!" Humalakhak si Celine sa pagtawa pero tinaasan lang siya ni Kif ng kilay dahilan para mapatigil siya.

"You can go." May authority na saad ni Kif at hindi na muling tiningnan si Celine.

"A-ah.. Okay.. Bye.." Kinuha kaagad ni Celine ang mga gamit niya. Bago siya lumabas ng pintuan ay tiningnan niya muna ako. "Bye Miss Ara." Nakangiting saad niya sa akin. Nginitian ko rin siya at tuluyan na siyang lumabas.

"Okay. Let's go Ara. Nagsisimula na ang show."

Pumunta kami agad ni Kif sa backstage. Nagpa-alam naman siya sa akin dahil papanoorin daw niya ako sa harap. Bago siya umalis ay sinabihan niya rin ako sa mga dapat gawin.

Ito ang comeback ko as a model kaya dapat kong galingan. Na miss ko rin ang feeling na rumampa sa harap ng mga tao. Isang modelo na lang at ako na ang susunod kaya dali-dali kong pri-nepare ang sarili at huminga ng malalim.

Ilang minuto lang at tinawag na ang pangalan ko.

"And for todays guest. Help me welcome. Our very pretty, sexy, alluring and The Princess of Modelling! Miss Ara Agustin!" Rinig ko agad ang masigabong palakpakan at sigawan nung sinabi ng MC ang pangalan ko. Todo ang ngiti ko nung lumabas ako sa stage. I ramp the way gracefully sharing my glamorous poise to the people inside. Kumaway kaway ako sa crowd at todo pa rin ang pag ngiti. Kita ko sa mga mata nila ang pagkamangha.

Tumingin ako kanan kaliwa at saka tumingin sa mga highest personality sa gitna. Nang hindi ko insasahang makita ang isang pamilyar na pamilyar na lalaki kasama ang mga sikat na mga modelling CEO ng ibat ibang companya. I'm not sure but he looks like him...

Shit!!!!!!!!!

Tell me I'm dreaming...

Nagtama ang mga tingin namin at kita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa hindi inaasahang pagkakataon.

That smile. Parang siya nga... No!.

Hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko at iniwas ko sa kanya ang tingin ko. Tuloy tuloy lang ako sa pagrampa hanggang sa maka balik ako sa backstage.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang lingonin ko ulit siya. Nagtama ulit ang paningin namin at hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

'Klyde?'

Anong ginagawa niya dito?

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Where stories live. Discover now