"Ako Quenee, ano ipakukulong mo ako?" Napalingon kami kay Lolo na nakatayo sa aming likod.

"Dad! Bakit mo naman hindi pinapayagan si Ara sa mga gusto niya. She's your apo, why are you punishing her?" Galit na saad ni mom kay lolo.

"Because she should learn something that you forgot to teach to her. I love my apo, kaya dapat lang na matutunan niya ang paghirapan ang isang bagay. Nagiging spoil na siya Quenee and that was because of your shortcomings." Sagot ni lolo na nagpatahimik sa akin. Yes, I hate lolo pero baka nga lumalaki na akong bastos. Napayuko ako atsaka hindi umimik. Mainit dito sa labas samahan pa ng mga umiinit na pangyayari.

"What? Dad, are you saying na may pagkukulang ako sa pagpapalaki kay Ara? Unbelievable. E ikaw nga 'tong nagpapahirap sa kanya."

"Mom stop!" Pagpipigil ko kay mom dahil kita kong galit na galit na ito. Hinawakan ko ito sa braso para pakalmahin. I know lolo, he is scary at all. Baka maparusan pa si mom dahil sa akin.

"It is sad but it is true my daughter. You're spoiling your daughter by giving all what she want without even hardship." Nakita kong napatahimik si mom saglit saka niyakap niya ako at hinimas ang aking balikat.

Naawa ako kay mom. She is currently working at New York at hindi ko alam kong bat nandito siya.

Ilang saglit din kaming natahimik. Ikot ng ikot ng mata si mom habang hindi tinatapunan ng tingin si lolo.

"Lolo! Bakit ho kayo naparito?"

Napatingin kaming lahat sa kakarating lang na si Klyde. May dala itong mga prutas na alam kong kinuha niya galing sa taniman ng mga prutas nila.

Nagmano ito kay lolo atsaka napatingin sa gawi namin. Kita ko ang tanong sa kanyang mukha.

"Sino po kasama niyo lo?" Tanong niya kay Lolo.

"She's my daughter Klyde, Ara's mother." Sagot ni lolo rito.

Kita kong napalipat-lipat si Klyde ng tingin sa akin at kay mom na parang kinukumperma kung totoo ba ang sinabi ni lolo. Napatango naman ito saka bumati kay mom.

"Hello po. I'm Klyde Sebastian" may galak na saad ni Klyde kay mom. Kita kong nandidiri rin si mom kay Klyde katulad kung paano ako mangdiri sa kanya nung first time ko siyang nakita. Lalo na at naka farm attire si Klyde ngayon. Mas lalong ayaw ni mom.

Kahit naman ganoon ang suot niya hindi parin maipagkakaila na bumabagay parin Ito sa kanya.

Tumango lang si mom bilang pagsang-ayon ngunit alam ko sa loob loob niya na ayaw niya kay Klyde. Ofcourse, like mother like daughter. We don't like cheap individuals. Pero somehow I feel like I'm slowly turning back from my perception in life.

"Tara pasok po tayo Lo, Ma'am" pag-anyaya niya kay lolo at mom na pumasok sa loob. Saglit siyang napatingin sa akin ng may mapaklang ngiti saka pumasok sa loob. Sumunod naman kami sa kanya.

********

"Ma'am, Lo. Kukuha lang po ako ng makakain." Presentabling alok ni Klyde.

"Wag na Klyde. Okay na kami. Sandali lang naman din kami dito." Pagpipigil pa ni lolo kay Klyde kaya napahinto na lamang siya saka umupo sa tabi ni lolo atsaka sa harapan kaming dalawa ni mom.

"You man, what did you do to my daughter?" Nakataas kilay na tanong ni mom.

"Po?" Tanging tipid na sagot ni Klyde kay mom. Nakakunot ang mukha nito na parang nagtatanong.

Over my dead gorgeous body. I didn't know this will become worsen.

"Ano namang klaseng tanong 'yan Quenee?" Sabat ni lolo sa kanila ni mom. "Don't mind her Klyde. Don't answer, if her questions make nonsense."

"Oh come on Dad, it's not nonsense. I'm just asking for my daughter sake. Is it wrong if I ask for the safetiness of my child?" She histrionically explained.

"I am also doing this for her safety."

"Do you call this as for her safety? Are you out of your mind Dad?" Mom said.

"You don't understand Quennie, maybe soon. Just please let me do this for Ara."

Deep inside I know mom doesn't understand what's the reason of lolo even me. I am so confused but also I know lolo isn't a liar. I am just eager to know his reasons.

Lumipas ang ilang minuto at pati si Klyde ay natahimik habang alam kong naririndi na siya.

"Dad paalisin mo na si Ara dito" pagmamaka-usap pa ni mom kay lolo.

"No, it's my final decision my daughter. Ara will going to stay here hanggang hindi pa umaabot ng 6 months"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya nagsalita na ako.

"Stop." pagtitigil ko sa kanila. Tiningnan ko si Klyde saglit saka binigyan ng mapaklang ngiti. Binalingan ko si mom. "Mom, hayaan niyo na po. Baka tama po si lolo. Let's end this argument."

"But my daughter?!"

"Mom, please relax yourself. Hindi tayo mananalo kay lolo. I understand why he wants me stay here. At gusto kong malaman kung ano ang kulang na sinasabi niya." I explained to mom with all of my heart. Halos mangiyak-ngiyak na nga din ako. " I think Klyde will help me mom."

The truth is, ayoko ding e disappoint si Lolo. All throughout my life, he's been with me, taking care of me. Maybe, I don't understand him now, but there's a part of me of trusting him. Mas matagal ko paring nakasam si kaysa kay mom.

Wala na ring nagawa si mom at napatango na lamang siya.

"Just call me, kung ayaw mo na dito"

"Yes mom."

Tiningnan ni mom si Klyde. "You man, don't make her cry or else I will put you in jail."

"Yes Ma'am." Sagot ni Klyde saka matipid na ngumiti.

Sana nga may matutunan ako dito habang nandito ako. May part din sa akin na sumasang-ayon kay lolo kaya baka nga tama siya.

I grew where I could get want I want kaya siguro na spoil na ako masyado.

Hindi ko alam kong paano ako magbabago at sa kung anong paraan. Maybe the destiny had already planned for it. I am just waiting. Waiting na someday I could be what lolo wants me to be.

My Promdi Sweetheart [S1: Completed]Where stories live. Discover now