Natawa naman ako. Alam na alam talaga niya na ang Mama niya ang may pakana kung bakit ako nandito sa kanila ngayon.

"Nagchat kasi siya kagabi, kaya ayon..." Nakita ko ang pag-iling nito sa ginawa ng ina.

"Si Mama talaga..."

Natawa nalang din tuloy kami pareho sa huli. Ilang saglit pa ay nagpaalam siyang bababa na muna para kumuha ng maiinom naming dalawa. Bumalik din naman kaagad siya na may dalang maliit na tray. Mayroong tatlong baso na naglalaman ng tubig, coke, at juice sa bawat isa.

"Thank you..." Pagpapasalamat ko pagkatapos ay kinuha ang isang baso na naglalaman nga ng coke at uminom.

"You looked more pretty in your dress. Umuwi ka muna saglit sa inyo?" Muntik na akong masamid sa iniinom dahil sa sinabi niya.

Nang tingnan ko siya ay mataman itong nakatingin sa 'kin. Siguro napansin niyang ayos na ayos ako.

Dahan-dahan akong umiling pagkatapos ay ibinaba sa lamesa ang hawak-hawak na baso. "Uhh, thank you. Nagdala ako ng damit ko sa school para makapagbihis bago pumunta rito sa inyo at bago sunduin nina T-Tita at Tito..."

Bigla tuloy akong naconscious dahil sa pagtitig sa 'kin ni Cedric na ngayo'y tagilid na nakaharap sa 'kin ang buong katawan habang nakaupo at nakasandal ang kanang braso sa likod ng sofa na kinauupuan namin.

"Ang ganda mo..." Marahan niyang sabi habang hindi pinuputol ang tingin sa 'kin. Tingin na puno ng pagkamangha habang nakatitig sa 'kin.

Pabiro ko siyang inirapan saka ngumisi. "Alam ko. Pero baka matunaw naman ako sa titig mo." Napaiwas tuloy siya ng tingin sa 'kin dahil sa sinabi ko. Ngunit hindi rin nagtagal ay kaagad ibinalik ang tingin sa 'kin.

"I can't stop staring at you, Danise. Ang ganda mo..."

"Sobrang ganda..."

Parang tumigil ang oras at paghinga ko nang ilagay at inipit ni Cedric sa likod ng tainga ko ang iilang tikyas ng buhok ko.

"Cedric..." Anong ginagawa mo? Gusto ko sanang itanong sa kanya pero tanging ang pangalan lamang niya ang lumabas sa bibig ko.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdibb ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero alam kong si Cedric ang dahilan kung bakit nagwawala at napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito.

Anong ginagawa mo sa 'kin, Cedric?

"Cedric..." Pareho kaming natigilan at maya-maya pa ay sabay na tumingin sa likuran namin kung saan, nakatayo malapit sa hagdan ang lalaking naka-uniform pa at mukhang kakagaling lang sa paaralang pinapasukan nito.

Magkamukhang-magkamukha sila ni Cedric. Mas mature nga lang ang lalaki kesa kay Cedric at mas matangkad ng kaunti. Isa sa pagkakahalintulad nila ay ang small freckles nila sa kanilang ilong na mayroon din si Tito Eugene, pansin ko iyon kanina at halata namang sa kanya halos nagmana ang dalawang anak.

Ito 'yong Kuya niya!

"Kuya..." Tumayo si Cedric para lapitan ang nakatatandang kapatid. Tama nga ako, Kuya niya nga. At tama rin si Betty na gwapo nga..

"Happy birthday! Here's my gift for you..." Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa. Kahit nakangiti ay ang seryoso pa rin ng itsura ng Kuya niya tingnan.

Cedric chuckled. "Nag-abala ka pa, Kuya." Sabay tanggap ng regalo mula sa kanya ng Kuya niya.

"For my lil bro..." Saad naman ng Kuya niya bago napansin ang presensiya ko na nakaupo pa rin sa sofa nila at nakatingin lamang sa kanilang dalawa. "Oh? Girlfriend mo?" Ngumisi ito.

"Hindi pa, Kuya."

"Hello po..." Tumayo ako para batiin ito. Tumango lamang ito saka ngumiti pagkatapos ay tinapik ang balikat ng kapatid.

"Nice meeting you, Miss." Saad nito sa 'kin saka muling binalingan ang kapatid. "Kuwarto lang ako. Pakisabi kay Mama na mamaya na ako kakain. Busy pa kasi sa pakikipag-usap sa mga amiga niya sa baba..."

"Sige..."

Muling lumapit sa 'kin si Cedric na dala ang isang kahon na paniguradong naglalaman ng regalo sa kanya ng Kuya niya. Ang Kuya naman niya ay pumasok na sa isang kuwarto katabi ng kuwarto ni Cedric na pinasukan ko kanina.

"Ahh, Cedric, 'yong mga gamit ko pala nasa kuwarto mo muna pinalagay ni Ma'am. Pati 'yong regalo ko sa 'yo naroon..." Sabi ko habang pahina nang pahina ang boses.

Saglit nanlaki ang mga mata niya nang makalapit sa 'kin ngunit kalaunan ay ngumiti ng malaki.

"May... May regalo ka sa 'kin?"

Akala ko magagalit siya. But it turns out that... Ang huli ko lang yatang sinabi ang narinig at naintindihan niya.

Dahan-dahan akong tumango. "Oo, nasa kuwarto mo. 'Yong nakalagay sa mismong study table mo..." Nahihiya kong sagot.

"I want to see it!"

Nanlaki ang mga mata ko nang talikuran ako nito at mabilis nagtungo sa kuwarto niya.

"Teka!" Taranta kong pigil sa kanya. Biglang nahiya sa regalo ko sa kanya.

Kaagad ko siyang sinundan na pumasok sa kuwarto niya at nakita siyang hawak-hawak na ngayon ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para sa kanya.

Nang makita akong pumasok din sa kuwarto niya ay sobrang laki ng ngiti niya habang hawak-hawak sa kamay niya ang paper bag.

"I want to see your gift for me, Danise..." He said, still smiling. I can even feel his excitement.

"Baka hindi mo magustuhan, Cedric." Sabi ko naman nang nakalapit na sa kanya at akmang kukunin sa kanya ang paper bag ngunit mabilis niya iyong inilayo sa 'kin.

"Magugustuhan ko, Danise. Basta galing sa 'yo..."

"Pero..."

"Please? I want to see it..."

Napabuntong hininga na lamang ako bago tumango at ilang saglit pa ay inilabas na niya sa paper bag ang regalo ko sa kanya.

It's a crochet grey cardigan and a small crochet pikachu keychain.

'Yong pikachu na keychain lang ang nagawa ko kagabi dahil anong oras na rin pero napuyat pa rin ako. Habang ang grey cardigan naman ay matagal ko nang nagawa, hindi ko pa nasusuot ni isang beses at isa sa mga nagawa ko noong bakasyon. Kaya naman ay iyon na lang ang dinagdag kong regalo aside sa maliit na pikachu keychain. Sakto namang medyo malaki iyon sa 'kin kaya base sa estimate ko ay kakasya lang kay Cedric ang nagawa kong cardigan.

"I-I hope you like it..." Mahina kong sambit. "Pinagpayutan ko 'yan kagabi ah!" Saka bahagyang tumawa. Over OA sa pinagpuyatan!

Nakita ko kung paano umawang ang bibig niya habang palipat-lipat ang tingin sa 'kin at sa regalo ko sa kanya.

"You... You made this for me?" Mangha niyang tanong. Hindi pa rin makapaniwala.

Marahan akong tumango. "Oo, madaliang ginawa ko 'yan kagabi. Natuto akong magcrochet dahil sa Lola ko noong nabubuhay pa siya. Nakahiligan ko na rin..." Kuwento ko. "Hindi mo kasi sinabi na birthday mo pala ngayon! Ayan na lang ang naisipan kong gawin na iregalo sa 'yo. Kaya sana magustuhan mo. Dadagdagan ko pa 'yan sa susunod..."

"I like your gift for me, Danise. No, I love it, actually..." Aniya saka ako biglang niyakap, dahilan para magulat ako.

"Thank you, Danise..."

"You're welcome..." Saad ko habang dahan-dahang hinahagod ang likuran niya habang nakangiti. I'm glad that he like it...

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now