"Mama, kakain na po muna kami ni Alexa..." Ani Cedric sa ina na ngayo'y nasa amin na ang atensiyon.

"Sige, kumain na rin kayo! Isama mo na ang mga kaibigan mo!"

At iyon nga ang ginawa namin. Nagtungo kami sa hapagkainan nila kung saan naroon din ang ilang inimbitahan ng Mama niya, nauna ng kumain. Marami silang handa at isa na roon ang malaking lechon na nasa gitna ng malaking lamesa nila.

Kanya-kanya ng kuha ng plato at pagkain ang mga kaibigan ni Cedric habang siya naman ay maingat na inilagay sa bakanteng parte ng lamesa ang cake na kanina'y hawak-hawak ko pa. Pagkatapos ay kumuha siya ng dalawang plato para sa 'min.

"Ako na, Cedric..." Kukunin ko na sana sa kanya ang isang plato dahil mahihirapan siyang kumuha ng sariling pagkain niya kapag ang dalawang plato ang hawak niya.

Umiling ito saka bahagyang iniwas sa 'kin ang dalawang plato. "Hindi, ako na. Diyan ka lang, ako na kukuha ng pagkain natin. Ano bang gusto mo?"

Nabuntong hininga na lamang ako. "Kahit ano, basta may shanghai..."

"Kahit ano, basta may shanghai..." Pag-uulit niya sa sinabi ko saka mahinang natawa. "Copy, boss!"

Gumilid na muna ako para hindi harang sa daan habang hinihintay si Cedric na abalang kumukuha ng pagkain naming dalawa.

"Hi!" Biglang sulpot ng kung sino sa tabi ko. Nang balingan ko ito at makilala ay ngumiti ako ng kaunti.

"Hello..."

"I'm Adele! Kaibigan ako ni Cedric. Magkapitbahay din kami. Diyan lang oh sa tapat ng bahay nila..." Daldal niya. Nakikita ko tuloy sa kanya ang kaibigang si Betty.

"Ahh okay... Nice meeting you, Adele." Iyon lamang ang nasabi ko.

"Kayo naba ni Cedric?" Pabulong niyang tanong.

Mabilis akong umiling sa sinabi niya. "Hindi! Magkaibigan lang kami..."

Nakita ko kung paano siya napaismid na ikinataka ko.

"Ang bagal naman niya!"

"Ano?" Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.

Umiling na lamang ito saka ngumiti. "Wala, wala! Sige, maiwan na muna kita! Ubusan na ng shanghai, nakakadalawa pa lang ako!" At bigla na nga itong nawala sa paningin ko matapos umalis. Sakto namang lumapit na rin sa 'kin si Cedric, dala-dala ang pagkain namin.

"Wala ng maupuan dito sa baba, akyat na lang tayo sa taas para makaupo ka habang kumakain..." Ani Cedric na sinang-ayunan ko na lang din sa huli at umakyat na nga kami sa ikalawang palapag ng bahay nila.

Akala ko kanina puro kuwarto lang ang nasa taas, hindi pala. Dahil nang igala ko ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay nila ay may maliit din pala silang sala rito sa itaas pero mas malaki pa rin ang naroon sa baba.

"Let's eat here..." Ani Cedric sabay lapag ng plato namin sa mababang lamesa na pinagigitnaan ng mga sofa rito sa sala nila sa itaas. Inanyayahan na ako nitong umupo kaya naupo na rin ako at mabilis naman siyang tumabi sa 'kin.

"Hindi kaba muna magbibihis? Galing kapa ng school..." Sabay tingin sa suot niyang uniform.

"Mamaya na, kumain na muna tayo..." Aniya.

Tumango na lamang ako at sinimulan ng galawin ang pagkain. Gano'n din ang ginawa niya at nagsimula na ring kumain.

"Alam kong may handaan dito sa 'min kahit sinabi ko na kina Mama na hindi ako magpapahanda. Pero hindi ko alam na pupunta ka. I'm sure my mother did something that's why you're here..." Ani Cedric sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now