TREINTA Y SIETE

202 8 0
                                    

- - FLASHBACK - -

˚˚. NARRATION


9PM.


Nagawa ni Hades na paalisin muna si Prada sa school nila... pero sa local library naman nagpunta! Ang mahalaga naman daw ay wala siya sa university campus. Bawal may makakita sa kanila.


On the other hand, Gucci managed to have Zeus stay in his house. Sa katotohanan lang ay gusto ni Zeus na pumunta kay Yves but alam niya na may ibang plano ito ngayong gabi. Hindi niya alam na si Hades ang kikitain nito. He was worried.


He did not want to enter a relationship with her again, but rather, gusto niya lang naman na maibsan ang sakit na nararamdaman ng babae.


"Gago, handa na ba kayo?" Tanong ni Dior nang magkita-kita silang tatlo sa isang warehouse malapit sa university. Nakasuot ng mask ang tatlo para hindi sila makilala. Yes, they took care of the CCTV camera but they still had to be careful.


"So, lilipad na ang aming team..." Panggagaya ni Hades kay Jessica Soho na ikinatawa ni Dior. Si Gucci naman ay... nase-stress sa kanilang dalawa.


At this point, Gucci was the embodiment of nervousness.


Ni hindi niya magawang kumalma nor magrelax dahil sa gagawin nila. Oo, pinlano niya ito but guilt sure was consuming her now. After all, Yves was her friend for the longest time.


"Guch, you okay?" Dior asked while worriedly looking at their friend. She was sweating buckets and her breathing started to be calculated. Inaatake na siya ng asthma niya. "Tukmol, nasaan inhaler ni Gucci?"


"Dala mo ba?" Tanong ulit ni Dior at umiling si Gucci. Hades was quick to look for a paper plastic at ipinahinga roon si Gucci. Tinuro kasi ni Chanel sa kanya dati na kung wala ang inhaler ni Gucci, they can use that as an alternative.


"Hinga..." Hades guided her as Gucci followed him.


Makaraan ang ilang minuto, everything was good. The plan was already in motion. Nanatili sa warehouse sina Dior at Gucci habang pinuntahan ni Hades si Yves. Napabuntong-hininga si Hades nang unti-unti na siyang lumalapit sa likod ng school.


That was where he spotted Yves waiting for him.


Nanginginig niyang kinuha mula sa bulsa niya ang panyo at ang chloroform. Nagbabadya ang luha sa mga mata ni Hades before slowly applying the substance to the handkerchief. Pakiramdam niya ay nanghihina ang mga tuhod niya.


"Patawarin niyo ako sa gagawin ko..." Bulong ni Hades sa sarili niya habang nakatago sa likod ng puno, naghahanap ng bwelo upang maka-atake siya. But something was holding him back. Not Prada... not Gucci... and not Dior.


Biglang sumagi sa isip niya ang mga alaala niya kasama si Achilles... his best friend.


CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now