VEINTIOTSO

267 11 4
                                    


- - FLASHBACK - -

˚˚. NARRATION


"Pre, salamat talaga, ah."


Achilles flashed a genuine smile at Hermés nang makapasok ang magkapatid sa bahay niya. Pumayag si Hermés na sa kanila muna makatira sina Achilles and Yves while they were waiting for the money that Ares will give them.


Mabuti nalang ay sa susunod na buwan pa makakauwi ang mga magulang ni Hermés, He was worried na aabusuhin ng tatay nito ang mga kaibigan niya.


"Don't worry about it." Nagbalik ng maliit na ngiti ni Hermés. "Make yourselves at home and don't hesitate to tell me or the maids if you need something."


Modern. That was the perfect description ng architecture ng bahay nila. The house was so big that it fit three cars and a swimming pool. Hindi maiwasang mainggit ni Yves sa ganitong lifestyle ni Hermés. She would die just to have his life, except for the abuse part.


Anak sa labas si Hermés at namatay na ang nanay nito kaya the custody was granted to his father. Tingin ng tatay niya sa kanya ay nuisance lang siya kaya masama lagi ang dugo nito sa anak. However, he had to take responsibility of Hermés because it will tarnish his image. Senador pa naman siya.


"Kuya Hermés, salamat talaga!" Ngumiti si Yves sa kanya at nagpakita ng 'thumbs up' sign kaya natawa si Hermés. "You the best!"


Lumibot ang tingin ni Yves sa mga pinto but one caught her attention. Kulay pula ang pinto at maraming lock. Iniisip ni Yves na baka may nakatagong alipin doon o alien.


"Ano 'yon?" Turo ni Yves sa pinto.


"Wala 'yon," Hermés said. "Huwag nalang kayo pumunta. That's a private room."


Hinayaan ni Hermés na maging komportable sina Yves at Achilles sa kwarto nila. He especially prepared the guest room for them because he knew that it was already tough for the two... they deserved a good rest. Dalawa ang kama sa kwarto kaya agad na inangkin ni Yves ang kama malapit sa bintana.


It was too good to be true.


"Ang bait ni kuya Hermés, 'no?" Tanong ni Yves sa kapatid niya na nag-aayos ng gamit. Napagpasyahan tuloy ng nakababata na pagpahingahin ang kuya niya. "Kuya, ako na diyan. Magpahinga ka."


Binigyan ito ng ngiti ni Achilles at saka tumango. Totoo naman talaga na pagod na ang nakatatanda... ayaw lang nito ipakita.

CROWBONES | txtzyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora