KATORSE

251 14 0
                                    

˚˚. HADES

Nakokonsensya ako.


Mas pipiliin ko pa na pumunta ako sa kwarto ng iba kaysa rito. Nanggagago ba itong tanginang Crow na 'to?


Itim na pader. Wood-like tiles. Wine bar. Litrato namin ni Chanel. Aba, pepektusan ko ang magsasabing kanila ang kwartong ito. Akin lang 'to!


Tumingin ako sa blueprint na nasa kama ko nang maalala ko ang ginawa ko. Naiyak nalang ako sa sarili ko dahil alam kong pinrotektahan ako ni Chanel. Inako niya ang litratong hindi kanya. Pero hindi ko rin maiwasang isipin kung alam na ba niya ang ginawa ko.


Dahil sa akin, nawala ang mahal ko.


Rest peacefully, mahal. Susunod ako.


Kinuha ko ang blueprint at umupo sa kama ko. Hindi ko namamalayang pinupunit ko na ito habang umaagos ang luha ko.


Demonyo.


Ganoon ang tamang description sa akin. Pero ginawa ko lang naman 'yon para sa mga kaibigan ko ah? Nagalit lang din naman ako.


- -


FLASHBACK


"Ikagagalit ba ni Skusta Clee kung nakakasawa kang tingnan?" Komento ko kay Apollo habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.


Nasa mall kami ngayon at nagsusukat kami ng damit para sa papalapit na outing namin. Balak kasi naming pumunta sa Boracay matapos ang exams.


Hindi namin kasama sina Yves at Achilles ngayon dahil galit ang nakararami sa kanila. Nagpupumilit nga silang sumama ngayon pero ang kapal naman ng mukha nila matapos gawin sa amin 'yon.


"Hindi ko kailangan si Skusta Clee kasi ngayon palang galit na ako sa pagmumukha mong hayop ka," mariin nitong sumbat kaya napahalakhak ako.


Ang competitive talaga ni gago!


"Mahal..." Tawag sa akin ni Chanel na suot ngayon ang isang halter dress. Para bang gusto ko nang ialay ang buhay ko sa kanya.


Sirain mo na ang buhay ko, please.


Girlfriend ko 'to?! Pinatulan ako nito?! Ang swerte ko naman. Siya ang hindi nakakasawang tingnan. Shet.


"Tumaba ba ako?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ko. Aaminin ko na medyo nagkalaman nga siya pero hindi naman halata.


"Tangina, tol..." Bulong ko kay Ares sa tabi ko. "Feeling ko may tamang sagot."


"Babe?" Napatingin ako kay Chanel at natigilan sa pwesto kasi hindi ko alam kung may gusto ba siyang isagot ko. Baka kasi magalit?! Inismiran nalang niya ako at tinanong ang iba naming kaibigan.

CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now