TREINTA Y DOS

203 8 0
                                    

- - FLASHBACK - -

˚˚. NARRATION


"Nagseselos ka?"


Tinaas ni Apollo ang kilay niya and smirked as he looked at his girlfriend. Nasa rooftop sila ngayon sa debut ni Gucci pero hindi pa naman nagsisimula ang program so they decided to spend their time there alone.


Kanina pa kasi napapansin ni Dior na ang daming notification kay Apollo galing sa kaklase niyang si 'Anaya'. Alam pa naman ng babae na may gusto ito sa jowa niya kaya mas nagtataka ito. Hindi naman selosa si Dior, naiinis lang siya sa mga taong hindi marunong rumespeto ng salitang 'huwag at 'hindi'.


"Nagtatampo ka ba kasi natigil ang momol session natin?" Napahalakhak si Apollo, nang-aasar kay Dior kaya binatukan ito ng girlfriend.


"Alam mo tukmol ka?" Sabi ni Dior. "Akin na 'yan. Ako na ang magre-reply."


To be honest, gusto talagang nakikita ni Apollo na nagseselos si Dior. He felt that she loves him so much kaya natatakot siyang mapunta ito sa iba. But, Dior need not to worry, though, his heart is already for hers.


"Oh, baby." Natatawang sabi ni Apollo at saka iniabot ang cellphone niya kay Dior. Heto namang gagong si Apollo, nakapamulsa habang pinapanood ang girlfriend niya na replyan si Anaya. Napakunot ang noo nito nang makitang natigilan sa pwesto si Dior.


Nanlaki ang mata ni Apollo nang makarinig ng ungol sa cellphone niya.


"Hala, gagi, noods ata 'ya-" Apollo was frozen in his place as soon as he saw the video in his phone. Nakatutok ang mata niya sa screen habang pinapanood paano nasarapan sina Yves at Achilles halik ng isa't isa.


Dior's hands turned into a fist while her face transformed into rage. Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Zeus noong umiinom sila, noong umiiyak siya dahil sa relasyon nila ni Yves, at kung paano lumuhod si Zeus sa harap ng girlfriend niya.


"Putangina," iyon lang ang nasambit ni Apollo matapos makita ang video. Nagugulat siya masyado sa nangyari. Bata pa si Yves... tapos pagsasamantalahan lang ng kapatid niya? Nakaramdam ng galit sa puso si Apollo pero ayaw niyang madala siya sa galit nito.


Unlike him, Dior was quick to act on it.


"Dior, tumigil ka!" Hinabol ni Apollo si Dior na galit na naglakad pabalik sa venue. Napatingin ang lahat sa dalawa, mas lalo na sa nag-aalburutong mukha ng babae. Kasabay noon ay ang pagtunog ng mga cellphone nila.

CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now