DIECINUEVE

235 15 2
                                    

˚˚. HADES


Nakakakita rin ako ng araw.


Saang lugar ba ito? Maliwanag ang paligid... parang nasa sapa kami at sariwa ang hangin. Sigurado ba kayong penalty ito? Ang sarap sa pakiramdam, e!


Nakatali ang leeg namin sa isang poste pero mahaba naman ang tali na ito. Chain ang ginamit na panggapos sa leeg namin. Medyo magkakalayo ang mga poste namin sa isa't pero sapat naman ang haba ng mga tali para makalapit kami sa isa't isa.


Ano ba ang gagawin?


Nabaling ang tingin ko kay Prada na takot na takot ngayon. Parang nilalamigan din siya. Mahangin naman talaga ngayon... parang uulan. Nasa labas ba talaga kami ng shithole na 'yon?


Si Apollo naman ay... tumitingin sa paligid. Mukhang may balak itong tumakas, ah. Charot, may jowa pala si Apollo. Pero, wala namang bakas ng sibilisasyon sa lugar na ito. Parang nasa gitna kami ng kawalan.


Si Ares naman ay nakatingin sa amin na tila bang nag-aalala sa estado namin. Ganoon naman talaga siya... siya ang tatay naming lahat. Hindi nga ako magtataka kung magsasakripisyo siya, e.


"Greetings, little ones!" Napatalon ako sa pwesto ko nang marinig si Crow. Puta... may speaker pa rin dito? "Welcome to the elimination round!"


Dapat ba akong matuwa?


"Your challenge is to find the key to the chain attached to your neck. This is your ticket out of this elimination round," pagpapaliwanag nito. "If you try to remove the chain without the key, one of you will die. You have thirty minutes."


"I hope the crow would not kiss your death," dagdag niya. "Good luck!"


Una kong pinuntahan si Prada na ginaw na ginaw. Tangina ba naman kasi nitong si Crow, ipagsusuot ng sando at shorts si Prada. Ganoon din naman ang suot naming tatlo nina Ares at Apollo pero dapat pinalitan ni Crow ito!


"Ayos ka lang?" Tanong ko at niyakap siya para maibsan ang lamig na nararamdaman niya. Naramdaman ko ang pagtango niya pero pinagpatuloy ko lang ang pagyakap sa kanya nang ilang segundo.


"Hahanapin natin ang susi natin, okay?" Sigaw ko para marinig nina Ares at Apollo. Tumango ang dalawa sa akin. "Makakaalis tayong tatlo rito nang buhay."


"Syempre naman, pre," sagot ni tanginang si Apollo. "Baka ma-miss mo ako sa university, e."

CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now