VEINTIUNO

267 10 7
                                    

FLASHBACK


"Are you sure about this?" Tanong ng isang lalaki na nakasuot ng pormal na pananamit. He looked like a businessman.


Moreover, his business was definitely fatal.


"Yes," diretsong na sagot nitong isa. "Hindi na namin alam ano ang totoo. Our secrets were too deadly now."


Tumango ang lalaki at saka tiningnan nang maigi ang mga litrato at documents. Sa totoo lang, ang kaso ng mga magkakaibigang ito ang nagpa-intriga sa kanya.


Dahil, napakalinis ng pagkakagawa.


Walang bakas ng hindi pag-iingat.


"You know, I want your case," sambit ng lalaki. "But, you should also know that you and your friends can get killed."


Bumuntong-hininga ang kausap niya. Ine-expect naman talaga niya na mangyayari ito. Pero, firm na siya sa kanyang desisyon. There was no looking back.


They had to bring back the case that plagued them in order to move forward.


After all, their squad was already broken.


"I'm sure, Crow." Ngiti niya, nagbabaka-sakaling ito na ang gamot sa nawasak nilang pagsasamahan.


END

- -



˚˚. APOLLO


Hindi naman mainit dito pero bakit ang init ng tension sa kabilang grupo?


Nakita ko kung paano bumakat ang mga ugat ni Hades sa braso niya. Mapula rin ang kanyang mga tenga habang nakatingin kay Hermés. Tangina, of course. Laging si Hermés. Ano nanaman kaya ang ginawa noon?


"Kuya, mukhang magsusuntukan sila," bulong sa akin ni Gucci habang parehas kaming naghihintay na matapos sila. Napangisi ako roon. It was their turn to get their block.


Mukhang na-badtrip itong si Hermés kasi tinulungan kami nina Dior at Hades. E, puta, kaibigan nila kami? Kung hindi na kaibigan ang turing sa amin ni Hermés, huwag niya naman sana impluwensiyahan ang iba.


Kutusin ko siya, e.


Mabuti nalang ay inanunsyo ni Crow na kapag mayroong nag-away, may kapalit ito. Hindi pa ba sila sawa magsuntukan? Aba, kung si Hermés nga naman ang susuntukin, hinding-hindi ako magsasawa.

CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now