DIECISIETE

238 14 1
                                    

˚˚. APOLLO

Madilim.


Nandidilim ang mata ko sa tanginang pagmumukha ni Hermés, katapat ko kasi. Kanina pa ako iritang-irita sa kanya at sa mga pinagsasabi niya. Napamasahe ako sa sentido ko habang hinihintay magising ang iba naming kaibigan. Nakapabilog ang pwesto naming pito.


Kami palang ni Hermés ang gising. Tangina naman.


Ang tagal ko rin pinoprotektahan ng sikreto niya, ha? Pero, ang bilis niya naman akong ilaglag. Akala ko pa naman matalino siya, bumobobo rin pala minsan.


Parehas kaming masama ang tingin sa isa't isa. Kung hindi lang kami nakatali sa armrest ng upuan ngayon, kanina pa kami nagpatayan. Kung may problema siya, sabihin niya sa akin diretso. Hindi 'yung ganito.


Wala naman siyang alam, e.


"Traitor." Kumuyom ang kamao ko nang magsalita ito. Alam ko namang may mali ako... dapat sinabi ko na sa kanya. Pero, hindi ko rin alam ang gagawin ko noon. Hindi rin naman ako ang nagdesisyon sa amin ni Dior na itago ang relasyon namin.


Natatakot si Dior na baka masira ang pagkakaibigan namin.


"Tigilan mo ako, Hermés," sumbat ko sa kanya. "Wala kang alam."


"Hindi pa ba sapat 'yung mga nakita ko sa kwarto mo?" Tanong nito kaya napairap ako. I scoffed at napagpasyahan nalang na panoorin si Dior matulog. Ayaw kong gisingin ang mga kasama ko dahil deserve nila ang makapagpahinga.


Lahat kami nadurog sa pagkamatay ni Tiffany.


Si Ares... planado na ang buhay niya kasama si Tiffany. Para na rin siyang tinanggalan ng pangarap. Hindi ko nga sinabi sa kanila ang iba kong nalaman tungkol kay Tiffany para protektahan ito tapos iboboto lang din pala nila.


"I'm sorry," sambit ko kay Hermés kaya napatingin ito sa akin. Oo, dapat noon ko pa ito nasabi. Kaso natakot ako na masira kami. Natakot akong sayangin ang ilang taong pagkakaibigan namin. "I'm sorry, Hermés."


Nakatingin lang ito sa akin nang matalim. Alam ko namang naghihiganti siya sa akin... halatang halata siya kahapon. Pero, sa ngayon, hindi ko alam kung sino ang mali sa aming dalawa.


"The damage has been done." Tumikhim ang bibig ko sa sagot nito. Galit kami sa isa't isa ngayon at hindi ako sigurado kung magiging maayos pa kami pagkalabas dito. Sana lang alam niya kung ilang beses akong nagmakaawa kay Dior na sabihin sa kanya ang tungkol sa amin.


Pero alam ko rin saan nanggagaling si Dior. Mas nauna kaming nagkakilala ni Hermés kaya mas pinahahalagahan ni Dior ang pagkakaibigan namin. Sana rin alam ni Hermés kung ilang beses akong ni-reject ni Dior dahil lang takot siya na maapektuhan kami.


Kahit naman ano ang dahilan ko, aaminin ko na trinaydor ko siya. Valid ang nararamdaman niya. Maling-mali ang ginawa ko lalo na siya ang pinakamatalik kong kaibigan... Pero hindi justifiable ang ginagawa niya ngayon.

CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now