Tumango ako. "Ah opo, sana nga magustuhan niya..." Sana nga dahil pinagpuyatan ko pa naman 'tong gawin kagabi.
"He'll like anything basta galing sa 'yo." Ma'am Costillejo suddenly chuckled. "Anyway, I told him to go home early. Sinabi kong after class, umuwi kaagad siya dahil may kaunting kainan sa bahay."
"Pero paano po natin malalaman na nakauwi na siya? Hindi po ba dapat masurprise siya?" Tanong ko.
"Kinuntyaba ko na ang mga kaibigan niya, hija. Sila ang magsasabi kapag malapit na si Cedric para makapaghanda tayo." Paliwanag ni Ma'am kaya tumango saka ngumiti na lamang ako at hindi na umimik hanggang sa nakapasok na kami sa isang village at pumarada ang kotseng sinasakyan namin sa isang garahe ng bahay matapos buksan ang gate ng isang kasambahay.
Dala-dala ang mga gamit ay lumabas na rin ako ng kotse. Nakita ko na rin ang kahon na kanina ko pa napansin sa kandungan ni Ma'am Costillejo. Iyon pala ang cake na ibig niyang sabihin. Dalawang box iyon at ang isa ay dala-dala ni Tito Eugene na ngayo'y nangunguna na sa paglalakad papasok sa loob ng bahay nila.
"Feel at home to our house, hija." Si Ma'am Costillejo habang nakasunod lamang ako sa kanya.
Pagkapasok pa lang sa loob ng bahay nila ay hindi ko na napigilang mamangha sa bahay nila. Malaki ang loob at labas nila pero hindi gano'n kalaki na matatawag na mansion sa laki. Tipikal na pampamilya lang at sakto lang sa kanilang magpamilya pero nagsusumigaw pa rin ng yaman dahil sa mga antigong gamit na nakikita ko at iilang painting na nasa dingding.
Pinaupo muna ako ni Ma'am sa isang sofa nila sa sala at hintayin ko raw siya dahil ilalagay lang niya ang cake kasama ang ibang handa nila. Hindi naman nagtagal ay bumalik din si Ma'am at inaya akong umakyat sa taas, sa kuwarto ni Cedric.
"Po? Huwag na po. Nakakahiya po kay Cedric. Baka magalit siya kapag pumasok ako sa kuwarto niya." Paano, inaaya ako nitong pumasok sa kuwarto ng anak para ilagay ko raw muna roon ang mga gamit ko at balikan na lang mamaya kapag uuwi na.
"It's okay, hindi 'yon magagalit. May permiso ko naman. Sige na, ilagay mo muna sa kuwarto niya ang mga gamit mo para hindi ka mahirapan sa kakadala ng bag mo, hija." Ani Ma'am matapos buksan ang kuwarto ng anak.
"Sige po..." Sa huli ay pumayag na rin ako.
Nang pumasok ako sa loob ng kuwarto raw kuno ni Cedric ay bahagyang umawang ang bibig ko sa ganda ng kuwarto niya nang mapagmasdan ang kabuoan nito.
Nasa tamang pwesto ang lahat, walang ni isang nagkalat na gamit, lalo na ang higaan niyang sobrang ayos. Even his study table is neat and presentable to look at, lalo na ang mga papel na naroon ay naka-arrange ng maayos sa gilid ng isang computer. And as expected from him who reads a lot, he has book shelves where all his books is either educational books or science-fiction books. He also has a cabinet where his trophy collection is on display with those awards, medals, and merit certificates as well.
Hindi rin ako nagtagal at inilagay na lang sa upuan niya sa may study table ang bag ko at ang isa namang paperbag na naglalaman ng mga uniform ko ay nilagay ko sa ilalim ng study table niya. Sa mismong study table ko naman nilagay ang regalo ko sa kanya bago lumabas ng kuwarto niya at bumaba na ulit kasama si Ma'am.
Pagkababa namin ay naging abala rin ang Mama ni Cedric dahil unti-unti ng nagsisidatingan ang ibang inimbita nito. Kaya nahihiya man ay naglakas-loob akong lumapit sa grupo ng mga kaibigan ni Cedric na madalas kong makitang kasama niya sa campus.
Nang makita nila akong palapit sa kanila ay bakas sa itsura nila ang gulat at hindi makapaniwala.
"Uhh... Hi! Pwedeng makiupo?" Medyo naiilang kong sabi ngunit ngumiti pa rin ako habang nakatingin lamang sila sa 'kin.
"Hala, upo ka!" Tarantang sabi ng isang babaeng may eyeglass at inanyayahan akong maupo sa tabi niya.
"Thank you!" Saad ko bago naupo sa tabi ng babaeng naka eyeglass ngunit nakatingin pa rin ito sa 'kin.
"Ang ganda mo!" Bulalas nito. Bakad sa itsura ang pagkamangha.
Nahihiya ko siyang tiningnan. "Thank you..." Pagpapasalamat ko ulit sa kanya.
"
Huwag mo naman masyadong titigan, Shaina! Maweirduhan pa 'yan sa 'yo eh!" Salita naman ng isa rin sa mga kaibigan ni Cedric. "Hi, Erick nga pala!" Sabay lahad nito ng kamay.
"Hello! I'm Alexa..." Tinanggap ko naman ang kamay nito.
"Ang hinhin ng boses!"
"Gets na gets ko na si Cedric!"
"Huwag mo nang subukan, Erick! Lagot ka kay Cedric!"
"Ito pala 'yong sinasabi ni Tita na surprise!"
Sari-saring komento ng iba pang kaibigan ni Cedric kaya ngumiti na lamang ako sa kanila dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.
"Pasensya kana, hayaan mo na lang 'yan sila. Palibhasa mga gutom na!" Napatingin ako sa katabi ko nang sabihin niya iyon.
"Ayos lang..." Sino ba namang hindi magugutom kung kakagaling lang din nila sa school. Naka-uniform pa silang magkakaibigan at halatang dumiretso kaagad dito pagkatapos ng klase nila.
"Ba't pala hindi niyo kasabay si Cedric? I thought, may kasama siya pauwi rito sa kanila at iyon ang magsasabi kung malapit na sila?" Natanong ko sa kanya.
Kung nandito na pala silang lahat magkakaibigan, sinong kasama ngayon ni Cedric pauwi?
"Ahh si—"
"Malapit na raw sina Cedric, guys!" Anunsyo ng isa sa mga kaibigan ni Cedric habang nakatingin sa cellphone nito. Kaagad namang kaming napatayo para makapaghanda na.
Dahil balak naming surprisahin sa pagkapasok pa lang si Cedric ay nagtipon-tipon kaming lahat ng imbitado sa sala nila na kaagad mabubungaran pagkapasok pa lang sa loob ng bahay nila. Pinatay rin ang ilaw sa may sala para hindi masyadong halata at hindi kaagad mapansin ni Cedric pagpasok sa loob ng bahay.
Nagulat ako bigla nang tawagin ako ni Ma'am Costillejo saka pinapunta sa harapan katulad niya pagkatapos ay ibinigay sa 'kin ang cake na may nakasindi ng kandila.
"Ikaw na ang humawak, hija." Nakangiting ani Ma'am kaya kahit naguguluhan pa rin ay hinawakan ko na lamang ang ilalim ng cake gamit ang dalawa kong kamay para hindi mahulog.
"Tahimik na, guys! Nasa gate na sila!" Mahinang sabi ng kung sino pero nasisiguro kong isa pa rin iyon sa mga kaibigan ni Cedric. Kaya naman ay tumahimik na kami at hindi gumawa ng kung anong ingay.
Nang bumukas ang pinto ay hinintay naming umilaw din ang ilaw sa sala bago sabay-sabay sumigaw ng...
"HAPPY BIRTHDAY!"
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 11
Start from the beginning
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)