"Gwapo rin naman si Joshua, ah?" Baka kapag marinig ng boyfriend niya na nagagwapuhan pa siya sa iba, magselos iyon.

"Oo naman! Kaya ko nga sinagot!"

Napailing-iling na lamang ako sa sinabi ng kaibigan nang maya-maya pa ay may tumigil na isang sasakyan sa harapan namin ni Betty.

Pareho kaming nagulat ni Betty nang bumaba ang bintana ng kotse at nakita namin ang mukha ni Ma'am Costillejo na nakangiti sa 'min.

"Hello po, Ma'am!"

"Good afternoon po, Mrs. Costillejo!"

Pareho naming bati ni Betty kay Ma'am Costillejo saka nginitian at binati rin ang lalaking nasa driver's seat. Mukhang iyon ang Papa nina Cedric at ng Kuya niya dahil nakikita ko ang pagkakamukha nila at ang resemblance kahit medyo may edad na. Siya rin iyong naalala kong kasama ni Ma'am Costillejo sa mga picture na post nito sa fb noong minsang nastalk ko siya bigla.

"Kanina pa ba kayo naghihintay? Pasensya na, hija. Dumaan pa kasi kami sa bake shop kung saan kami nagpagawa ng cake at medyo naipit sa traffic dahil may naaksidente." Lintaya naman ni Ma'am Costillejo.

Ngumiti ako. "Hindi po, ayos lang. Kakarating lang din po namin dito sa labas."

"Oh siya, sige na, pasok na kayo sa backseat. Sumama kana rin sa 'min, hija." Ani Ma'am Costillejo kay Betty ngunit mabilis umiling ang kaibigan ko.

"Ay, hindi na po. Pasensya na, Ma'am, may pupuntahan pa po kasi ako. Sinamahan ko lang talaga sa paghihingay itong si Alexa." Magalang na tanggi ni Betty sa anyaya sa kanya ni Ma'am Costillejo.

Ayan na naman siya sa biglang "may pupuntahan" niya na kanina ay wala naman.

"Are you sure? Mag-ingat ka, hija."

"Kayo rin po, Ma'am! Ingat kayo!"

Tumingin naman sa 'kin ulit si Ma'am Costillejo. Pansin ko ang paghagod niya ng tingin sa suot ko saka muling tumingin sa 'kin sa mata at ngumiti. "Pasok kana, hija." Tumango ako bago bumaling kay Betty para magpaalam na sa kanya. Nagpaalam na din ito bago ako tuluyang pumasok sa backseat ng kotse nina Ma'am.

Ilang saglit pa ay umandar na ang kotse nila at medyo nakalayo-layo na kami sa school.

"This is Eugene, hija, my husband." Pagpapakilala sa 'kin ni Ma'am Costillejo. Tama nga ako, Papa nina Cedric.

"Hello po, Sir. Good afternoon!" Bati ko rito na abalang nagda-drive.

"Tito na lang, hija." Aniya saka ko nakita siyang tumingin sa 'kin sa rearview mirror at ngumiti. "Magaling pumili ang anak natin, hon." Nakita ko ang bahagyang pagbaling nito kay Ma'am habang nasa likuran nila ako.

"Magaling nga, nagmana ba naman sa 'yo." Ani Ma'am saka bahagyang natawa bago tumingin sa 'kin at ngumiti. "By the way, you looked good in your dress, hija." Puri niya sa 'kin.

"Thank you po..." Nahihiya kong sabi habang nasa kandungan ko ang paperbag na naglalaman ng regalo ko para kay Cedric.

"Is that your gift to Cedric?" Sabay tingin niya sa yakap-yakap kong paperbag sa kandungan. Pansin niya sigurong iniingatan ko.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now