Ayaw ko mang sabihin kay Betty dahil baka asarin na naman niya ako, sa huli ay wala akong nagawa kung hindi sabihin sa kanya na invited ako sa surprise birthday celebration ni Cedric at kakailanganin ko ang tulong niya sa pag-aayos sa 'kin bago pa man ulit magchat sa 'kin si Ma'am Costillejo na nasa labas na sila ng school.

"Legal naman kami both side ni Joshua, pero ibang lebel naman 'tong inyo! Hindi pa man kayo ni Cedric, mukhang boto na sa 'yo si Mrs. Costillejo!" Ani Betty saka bahagyang tumili habang nilalagyan ako ng kung ano sa mukha.

Nasa ladies room kami ngayon at inaayusan niya ako. Ang sabi ko simple lang pero mukhang full make up na yata ang ginawa niya sa 'kin.

"Aray ko! Betty!" Daing ko nang hindi sinasadyang naipit niya ng mariin ang pilik mata ko habang ginagamitan ng curler.

"Shit, sorry!"

Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-aayos niya sa 'kin. Nakapagbihis na rin ako. Simpleng pastel yellow sleeveless dress lang ang suot ko na saktong umabot sa mismong gitna ng tuhod ko at isang pares ng white sandals.

Habang inaayusan ako ay hawak-hawak ko naman ang mini-fan na nakatapat sa mukha ko dahil medyo mainit sa loob ng ladies room. Mabuti na lang din at klase pa ng iba kaya walang ibang estudyante rito sa banyo na makakakita sa 'min.

"Tapos na!" Masayang sabi ni Betty saka medyo lumayo nang dahan-dahan at namamanghang nakatingin sa 'kin. "OMG! Sobrang ganda mo, Alexa!"

Napangiti na lamang ako sa sinabi ng kaibigan bago humarap sa salamin na nasa harap namin dito sa ladies room.

Maski ako ay namangha. Inaamin kong maganda ako, talagang may itsura, pero hindi ko aakalaing mas gaganda pa pala ako kapag nagmake-up. Kung kanina inakala kong full make up ang ginawa ni Betty sa 'kin, nagkamali ako. Pina soft glam ang pagkaka make up niya sa 'kin. Sobrang simple lang pero pina blooming.

"Thank you, Betty." Pagpapasalamat ko sa kaibigan saka siya muling nginitian. Kahit minsan ay naiirita na sa pagiging madaldal niya ay mahal na mahal ko siya bilang kaibigan. Simula junior highschool ay siya na ang naging karamay ko sa lahat at palaging nandiyan para sa 'kin.

"You're welcome!" Aniya saka ngumiti rin at saglit akong niyakap mula sa likuran. "Ito, perfume! Siyempre, dapat fresh at mabango!" Sabay spray ng vanilla perfume sa katawan ko.

"For sure, magugulat si Cedric!" Si Betty habang tinutulungan na ako ngayong ayusin ang mga gamit ko.

Ang dami ko pa lang dadalhin kina Cedric. School bag ko at dalawang paper bag. Ang isang paper bag ay naglalaman ng school uniform at P.E uniform ko kanina saka sapatos. Ang isang paper bag naman na mas maliit ay naglalaman ng birthday gift ko kay Cedric.

Bago tuluyang lumabas ng campus ay nagcheck muna ako ng messenger ko, baka nagchat na si Ma'am Costillejo na nasa labas sila. And just when I went online, nareceive ko naman ang chat ni Ma'am, informing me na malapit na sila sa school kaya inaya ko na si Betty na lumabas na kami ng school.

"Kung siguro hindi pa ako taken, baka jinowa ko na Kuya niyang si Cedric. Para friendship goals pa rin!" Ani Betty habang naghihintay kami sa labas ng school.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Loka-loka ka talaga!"

"Gwapo rin no'ng Kuya ni Cedric eh!"

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now