It's Cedric's myday last night.

Nangunot ang noo ko. "Oh tapos?" Bagot kong tanong.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Lumabas kayo kahapon?" Gulat niya pa ring tanong.

Tumango ako, nagtataka sa inakto niya. "Oo? Ano naman? Pagkatapos kong magtake sa faculty, lumabas kami."

"Ghurl—" Natigil si Betty sa sasabihin niya nang biglang lumapit si Tiffany, isa sa mga kaibigan ni Camille.

"Akala mo talaga kung sinong mahinhin at tahimik, 'no? Nasa loob naman pala ang kulo." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi nagustuhan ang narinig mula sa kanya.

"Excuse me?"

"Tiffany, tama na. Padating na si Miss." Saway ni Camille kay Tiffany bago ako masungit na binalingan at muling tumingin sa harapan.

Naguguluhang napatingin ako ng ilang saglit sa grupo nina Camille na may nanghuhusgang tingin sa 'kin.

Napatingin lang ako kay Betty nang hawakan niya ako sa braso at bumulong sa tainga ko.

"Hindi ko pa malalaman na may post pala si Cedric at lumabas kayo kahapon kung hindi ako kinompronta pagkadating ko rito ng grupo nina Camille. They're asking me kung anong meron sa inyo ni Cedric, Alexa..." Napamaang ako sa sinabi ng kaibigan. "Mukhang crush yata ni Camille si Cedric."

Napailing-iling ako. "Lumabas lang kami kahapon bilang magkaibigan ni Cedric." Mahina kong sabi sa kanya.

"Don't be feel bothered towards them. Don't worry, hindi natin sila bati. Hindi lang nila matanggap na hindi ang friend nila ang nagustuhan ni Cedric." Ani Betty saka ngumisi.

"Betty, magkaibigan lang kami ni Cedric."

"Oh, really? Ang friendly naman niya kung gano'n? Inaya kang lumabas ng kayong dalawa lang? I bet, libre pa nga niya. And then what? Nagphoto booth kayo? Tell me, sinong nag-aya?"

"Siya..." Halos pabulong kong sabi.

"You looked so sweet together sa mga picture. And there's nothing wrong with that. Hindi lang talaga matanggap ng iba diyan." Aniya sabay tingin saglit sa grupo nina Camille na ngayo'y nag-uusap. "You're pretty, Alexa. No wonder why Cedric likes you..."

"Hindi niya ako gusto, okay? Wala siyang sinabing ganyan..." Mariin kong tanggi.

"I bet he's shy or something. Based on his actions, mukhang humahanap pa lang siya ng tiyempo and he's making you comfortable by his presence first bago siguro siya magconfess..." Patuloy pa rin ni Betty.

Napailing-iling ako. "Hindi naman siguro, Betty..." Pati ako ay naguguluhan na rin. Hindi alam kung bakit ko idinideny kung may gusto nga ba sa 'kin si Cedric o wala.

Wala naman siyang sinasabi sa 'kin. If ever that it's true, I want to hear it from him. Pero wala naman.

"Paano kung bigla siyang magconfess?" Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon.

"Hindi... Hindi ko alam..." Talagang hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko kapag nagkataong umamin nga siya.

It's not a first time na may magko-confess sa 'kin. Kung meron, nagte-thank you ako at sasabihing na-appreciate ko ang sinabi sa 'kin ng taong iyon na umaming gusto ako. Pero hanggang doon lang. Hindi ko na sila inientertain pa dahil wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon kung sakaling manligaw sila bigla.

Kagaya nga ng sabi ni Ate, babygirl pa rin nila ako kahit anong mangyari.

Pero kung si Cedric... Hindi ko alam.

Well, Cedric is actually a standard. Tipikal na isa sa mga character ng mga binabasa ko ang katauhan niya. Mabait, pino ang kilos, may sense kausap. At gwapo. Dagdag pa na he's academically inclined.

Hindi rin siya mahirap magustuhan. Na hindi nakakapagtaka kaya siguro crush siya ni Camille na kaklase ko. Nasisiguro kong hindi lang din naman siya ang may crush kay Cedric sa batch at campus namin.

But I just can't imagine it.

Si Cedric, magkakagusto sa 'kin na average lang padating sa academics? Siya na aamin na gusto niya ako? Parang ang labo namang mangyari iyon. Baka hindi naman talaga niya ako at gusto at maling akala lang silang lahat.

Hay naku, Cedric!

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now