Gano'n na lang ang gulat ko nang napagtanto kung sino iyon.
Sabrina M. Costillejo sent you a friend request.
Sabrina M. Costillejo
Hello, hija. I found your account sa gc natin. Pasensya na sa isturbo pero nagpaplano kasi kami ng surprise birthday celebration bukas para kay Cedric. Ayaw niya kasing maghanda pa kami sa kaarawan niya pero gusto naming mag-asawa. Pwede ka bang hiramin bukas? I'm inviting you to come over to our house tomorrow afternoon. Susunduin at dadaanan ka nalang namin bukas ng hapon sa school.
Shit. Totoo ba 'to?
At ano? Birthday ni Cedric bukas? Bakit hindi niya sinabi?!
Without hesitation, kaagad kong inaccept ang friend request ni Ma'am Costillejo sa 'kin saka nagtype ng irereply sa kanya.
Alexandria Danise
Hello po, Ma'am!
Good evening, sure po,
pwede po ako bukas. Hanggang
3 pm lang po ang class namin tomorrow since Friday na.
Sabrina M. Costillejo
Okayy! Thank you, hija!
By the way, I saw my son's post just a minute ago. Lumabas pala kayo.
I'm glad that you two are getting along together.
Alexandria Danise
Walang anuman po, Ma'am!
Sabrina M. Costillejo
Tita na lang, hija. Tawagin mo na lang akong Ma'am kapag nasa school tayo.
And that's it. Matapos kong saglit makausap ang Mama ni Cedric ay dali-dali akong nag-open ng social media ko para makita ang myday ni Cedric.
Nagmyday nga siya! It's our photo booth together! Naka public pa!
Mabilis akong nagreact ng heart at nagreply sa myday niya.
Alexandria Danise
Ganda naman ng kasama mo.
Cedric Costillejo
Sobrang ganda.
Hindi ko inaasahan ang magiging reply niya kaya napatili ako bigla at sinubsob ang mukha ko kama ko.
Jusko, Cedric!
Kinaumagahan, muntik na akong malate. Medyo late na akong nakatulog kagabi dahil may ginawa pa ako.
"Bakla ka, magchika kang bruha ka!" Kaagad na bungad sa 'kin ni Betty nang pumasok ako sa loob ng classroom namin. Pansin ko rin ang kakaibang tingin at pagsunod ng tingin sa 'kin ng grupo ng mga kaibigan ni Camille hanggang sa naupo ako.
"Umagang-umaga, chizmiz kaagad ang hanap mo." Ngumiwi ako kay Betty.
"Ipaliwanag mo ito!" Sabay pakita sa 'kin ng cellphone niya. Kaagad ko namang tiningnan kung anong naroon.
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 10
Start from the beginning
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)