"Good bye, Danise."

And with that, tumalikod na nga siya at muling pumasok sa loob ng taxi. Tinanaw ko pa ang sinasakyan niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin.

Ngiting-ngiti akong pumasok sa loob ng bahay namin, natigilan lang nang makita si Kuya Rai na nasa sala, kasama ang mga kaibigan niya. Nang makita akong bagong dating ay kaagad na dumapo ang tingin niya sa mga dala ko, nakataas pa ang isang kilay.

"Uy, ano 'yan?" Nang-aasar ang tingin sa 'kin at sa mga dala ko.

Napairap ako. "Bulag kaba? Siyempre mga pinamili ko!" Baka anong isipin niya kapag nalaman niyang libre ito sa 'kin ng kung sino. Mainam na rin na maisip niyang pinamili ko nga ito para hindi siya manghiram sa 'kin ng pera.

Natawa naman si Kuya. "Mukhang mayaman ka ngayon, bunso—"

"Wala na akong pera! Ubos na!" Asik ko saka magmamadaling tinakbo at inakyat ang hagdan namin. Narinig ko pa ang tawanan nilang magkakaibigan.

"Gago ka talaga, Rai! Pati kapatid mo, hindi mo pinapalampas sa pagiging mukhang pera mo!"

"Minsan lang!"

Minsan niya mukha niya! Ni isang beses hindi pa nga niya ako nababayaran sa mga utang niya sa 'kin!

Nang makapasok sa loob ng kuwarto ko ay kaagad kong inilagay ang bag ko sa lagayan ko nito palagi saka dali-daling binuksan ang paperbag na naglalaman ng tatlong bagong libro ko.

Napatili pa ako sa tuwa habang pinagmamasdan ang mga iyon. Naka fully sealed pa at walang kung anong gasgas. Bagong-bago!

Kaagad ko naman iyong inilagay sa bakanteng parte ng book shelves ko. Ilang libro pa ay mapupuno na ito.

Binalikan ko naman ang stuff toy na nasa kama ko. Muli ko iyong niyakap bago pinahiga sa gitna ng kama ko. Simula ngayon, magiging katabi ko na iyon sa pagtulog.

Inilagay ko rin ang copy ko ng photo paper namin ni Cedric sa Photoism sa may bedside table ko. Idinikit ko iyon sa dingding katabi ng iba kong picture  kasama sina Mama, Ate, Kuya at si Betty.

Bigla kong naalala ulit si Cedric. Kaya mabilis kong kinuha ang cellphone ko para sana sabihing ichat niya ako kapag nakauwi na siya nang ligtas. Pero bago ko paman iyon magawa ay may natanggap na ako sa kanyang isang chat.

Cedric Costillejo

Already home:)

Alexandria Danise

That's good.
Hindi ba nagalit si Ma'am na natagalan kang umuwi ngayon?

Cedric Costillejo

Nope. She's actually happy.

Alexandria Danise

Bakit?
Alam niya bang
magkasama tayo?

Cedric Costillejo

She's happy to see me loosening up a bit from school and academics with you.

Alexandria Danise

Oo nga naman.
Tama rin si Ma'am.
Dapat balance pa rin 'yong life
mo sa acads at sa personal life mo.

Cedric Costillejo

Yeah, you're right.

Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakangiti habang kausap siya. Natigil lang nang biglang may isang notif at message na nagpop-up habang kausap ko si Cedric.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now