Kunot noo ko siyang binalingan ulit. "Hindi,"

"Then I'll post this later."

"Teka..." Napabuntong hininga ako. "Hindi ako magagalit. But what I mean is, ayos lang sa 'kin na i-myday mo basta walang ibang magagalit."

Kunot noo niya rin akong tiningnan, halatang nalilito. "Walang ibang magagalit, Danise."

I shrugged my shoulder. "Then good?"

I heard him groaned lightly. "You're really thinking that Adele and I have something." Aniya. "I swear, I only see her as a friend and classmate. Nothing else po. Kaya wala siyang karapatang magalit kapag nagmyday ako na kasama ka, okay?"

Dahan-dahan akong tumango at hindi napigilan ang sariling mapangiti kaya kinagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi para hindi halata.

"Okay..." Naniniwala na sa sinabi niya.

Ngumiti rin siya pagkatapos ay tumingin sa wrist watch niya. On the other hand, he's holding the stuff toy na nakuha niya kanina para sa 'kin. Ang cute niya tingnan!

"It's almost seven in the evening. Uwi na tayo?" Tanong niya.

I nodded. "Sige," Sagot ko naman habang yakap-yakap ang paperbag na naglalaman ng librong bili niya rin sa 'kin.

Makalimutan ko na lahat, kahit bag ko pa, huwag lang ang mga bagong libro ko na ito!

Iniwan namin ang bag namin sa area kung saan pinapaiwan ang mga ito. Kaya naman hindi rin kami nahirapan habang gumagala sa mall at walang bitbit na malaking bag.

"Let's get a taxi instead. Rush hour pa rin ngayon." Ani Cedric habang palabas na kami ngayon ng Mall. Nakuha na rin namin ang mga bag namin.

Kaagad naman akong sumang-ayon sa sinabi niya. Dala na rin ng pagod at gusto na ring makauwi kaagad nang hindi na nahihirapan sa pagsakay.

Nang may taxi na parating ay kaagad iyong pinara ni Cedric at una akong pinasakay sa backseat bago siya. Sinabi niya rin ang mismong address ng bahay namin bago tuluyang umandar ang taxi na sinasakyan namin.

"Sana sinabi mong sa Newtown na lang para deritso na sa inyo..." Kontra ko.

Umiling naman siya. "Ihahatid muna kita sa inyo."

Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi na nakipagtalo dahil wala rin namang silbi. Isa pa, napagod ako sa ginawa namin sa Mall. Ubos ang social battery.

Dala ng pagod, hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Kaya nang ginising ay napagtanto kong nakasandal pala ang ulo ko sa balikat ni Cedric na ngayo'y ginigising na ako.

"We're here..." Aniya.

Napakusot pa 'ko ng mata bago tuluyang natauhan.

"Hala, sorry! Nakatulog ako."

He chuckled. "It's fine. Matulog kana lang ulit sa kuwarto mo." Aniya at inalalayan akong makababa sa taxi.

"Thank you, Cedric. Nag-enjoy ako kasama ka." Masaya kong sabi sa kanya habang nasa labas na kami ng gate namin. Hawak-hawak ko ang paperbag na naglalaman ng bago kong libro at ang stuff toy habang nakasukbit naman sa likuran ko ang bag ko.

"Nag-enjoy rin ako. Thank you for making this day special to me, Danise. This means a lot to me..." He said sincerely as he smiled.

Ilang beses akong napatango habang nakangiting nakatingin pa rin kami sa isa't isa.

"Sige na, papasok na ako sa loob. Naghihintay na rin sa 'yo si Manong..." Sabay tingin sa taxi na sinakyan namin, hindi pa ito umaalis at inaantay na matapos kami sa pag-uusap at pumasok na ulit si Cedric sa loob ng taxi. "Good bye, Cedric..."

Out of Script [ONGOING]Onde histórias criam vida. Descubra agora