12

86 9 57
                                    

"Kuya! Baba na daw kayo diyan ni Kuya Caden," Ivy shouted.


Adler and Caden had been close after a few days. I guess it was just because they were both boys, and Adler missed the feeling of having a guy around. Siya nalang kasi ang natirang lalaki simula nang ma-confine si Papa sa hospital.


It was now New Year's Eve, and yes, Caden stayed with us until now. Uuwi na din dapat siya noong araw na dumating siya rito, pero napilit siya nina Mama na manatili. Tinawagan din naman daw siya ng mommy niya at sinabing dito raw muna manatili sa amin. I never knew such a supportive mother.


Mukhang may kaya nga sa buhay sina Caden kaya in-expect kong tutol ang mga magulang niya sa amin. Usually, they would have set him up with some other girls that are more fit to be with him. Rich and pretty ones, I assume.


"Ano bang ginagawa niyo sa taas? Buong maghapon kayo roon, ah," suway ni Mama nang makababa ang dalawa mula sa kwarto ni Adler.


"Nag-uusap, Ma," Adler said as he fixed his hair. "Naglalaro na din. It's fun to have a guy around here. Lagi nalang ako ang mag-isang lalaki. At least with this dude around, may nakakausap akong matino."


"'Wag mong ma-dude dude si Caden. Hindi kayo magkasing-tanda," I rolled my eyes at him.


"Ate, kahit kailan talaga, epal ka. Ma, alis na nga tayo. Si Ate kasi napaka-KJ, hindi niya naman kinaganda," tinarayan niya ako.


Itong lalaking 'to talaga, ang sarap sakalin! He was only a few years younger than me, but he acts like he's older. Ampon talaga 'to, e. Hindi belong sa pamilya.


"Tara na nga, sasakay pa tayo ng taxi para makapunta roon. Ang dami niyong satsat magkakapatid." Narinig ko ang inis sa boses ni Mama.


I never really found out how she was able to keep up with us four. Mag-isa niya na kaming pinalaki sa loob ng dalawang taon, simula nang maaksidente si Papa. It was all about patience and trust for her, I guess.


Sumakay na rin kami ng taxi na tinawagan ni Ate kanina lang. Tinanong ko nga si Caden kanina kung dinala niya ba ang sasakyan niya pero sinabihan daw siya ni Yasmine na magpahatid nalang dahil walang parking sa amin.


"Kanino ka nagpahatid?" I asked as we sat inside the cab.


"One of my friends. Sumabay na ako papunta rito kasi madadaanan naman daw ang Batangas sa byahe niya," he answered.


Maaga pa pero pupuntahan na namin si Papa sa hospital. Ayaw naman naming doon na magbagong taon sa hospital dahil hindi magiging maganda ang salubong namin dito. Hindi ko alam kung anong dahilan pero pinayagan nina Mama si Caden na sumama sa hospital. It was something sensitive for all of us, so I didn't know why she allowed Caden to tag along. Pwede naman siyang maiwan sa bahay o gumala kung saan sa Batangas.


Dumating na rin kami kaagad sa ospital dahil lumipat naman talaga sina Mama sa Batangas para mapaayos ang pagpapagamot nito. Wala kasi masyadong kagamitan ang mga ospital sa Isabela at masyado namang mahal ang hospital bills sa Manila.

Venomous Cure (Katipunan Series #1)Where stories live. Discover now