03

152 11 0
                                    

"Class dismissed."


The students stood up and left the classroom one by one. That was our last class for today and like I said, I'm going to Ateneo for Caden today. Gusto ko din namang magpakasaya 'no!


Si Yasmine, may klase pa hanggang mamayang hapon dahil may gagawin pa daw sila sa org. kaya naman magpapasundo ako kay Jade. She suggested all this so she should at least take responsibility. Ang mahal ng pamasahe kung babyahe pa ako papuntang Katipunan, 'no!


Buti sana kung jojowain ko 'yon, e hindi naman.


Bumili muna ako ng milktea bago hintayin si Jade na sunduin ako. Nasabihan ko naman na siya at support na support naman ang gaga dahil nga lalandi ako. Tapos naman na daw ang klase nila sa Legma Department kaya ayan, gala na nang gala.


A black Range Rover suddenly stopped in front of me. Jade rolled her window down and I saw her wearing sunglasses while waving at me frantically. Napatawa nalang ako saglit at sumakay sa shotgun seat habang umiinom sa milktea ko.


"Ano ba 'yan, palitan mo nga 'yung kanta!" reklamo ko sa mga pinapatugtog niya.


'Yung mga kanta niya kasi, puro pang-horny! Hindi naman ako nag-aaya ng sex dito! Kalandian kasi talaga nitong babaeng 'to, e.


"Tumalon ka sa sasakyan ko kung ayaw mo! Ganda-ganda ng mga kanta ko, 'no," pakikipag-away niya.


Napairap ako at tumingin nalang sa bintana. Ang ganda din sa Quezon City, 'no? Mas maganda dito sa Katipunan kapag gabi, e. Puro ilaw, ganoon. Ang dami pang food stalls around the campus.


Hindi ko namalayang nandito na kami at nakapag-park na pala si Jade ng sasakyan. Bumaba na 'ko at kinuha 'yung bag ko bago naglakad papasok kasama ang kaibigan ko.


Pagkapasok namin sa Ateneo, para akong pumasok sa ibang mundo. Minsan-minsan lang naman kasi ako dito pero kahit ganoon, aware naman akong kakaiba talaga ang mga tao rito. Tignan mo naman mga suot, mula ulo hanggang paa, designer brands suot.


Jade and I separated ways when she found her other friends in different departments. I just sat there looking so stupid while waiting for Caden. Ewan ko ba kung ano oras uwian n'on.


Nagcellphone nalang ako at nang mairita kakahintay, itetext ko na sana si Caden kaso may biglang nagsalita sa tabi ko.


"Anong pakay mo dito?" paglingon ko, naka-upo na pala sa tabi ko ang lalaki. Pasulpot-sulpot, ah!


"Hi!" my voice sounded so excited. "Wala, bored lang! Gusto mo kumain sa labas?" 


Tinaasan niya 'ko ng kilay, "You're weird."


Ako na nga dumadamoves dito, e! Choosy pa 'tong lalaking 'to. 


"Tara na kasi!" Hinila-hila ko siya patayo at naramdaman kong naiilang na siya sa ginagawa ko. Whatever. 

Venomous Cure (Katipunan Series #1)Where stories live. Discover now