Nakita ko namang natigil si Camille sa ginagawang pagre-retouch.
"Huwag nga kayong magbiro ng ganyan!" Rinig kong saway ni Camille sa mga kaibigan ngunit mas lalo lamang siyang tinukso ng mga ito. Malapit sila sa may pintuan at may mukhang sinisilip sa labas.
Inip na muling ibinaling ko na lang kay Betty ang tingin ko. Naghihintay sa kanyang matapos din sa pagre-retouch. Magpapasama ako sa kanya sa faculty para makatake ng quiz na namissed ko kaninang umaga dahil absent.
"Ok na 'yan, kahit hindi ka naman magmake up, gandang-ganda pa rin sa 'yo ang boyfriend mo." Sabi ko kay Betty saka ngumisi. Nakaupo pa rin ako sa upuan ko habang hinihintay siyang matapos.
Kaagad naman siyang tumingin sa 'kin habang iniipit ang pilik mata niya ng gamit na curler.
"Alam ko. Kaya nga sobrang inlababo sa 'kin ng jowabells ko eh!" Napairap na lang ako sa sinabi niya. "Isa pa, practice ko na rin 'to para pag nagtourism ako sa college, marunong na akong magmake up sa sarili ko!"
She already mentioned it to me many times. Na gusto niyang magtourism sa college. Which is bagay naman sa kanya. Maganda si Betty at kung magto-tourism siya ay talagang bagay sa kanya. Lalo na at matangkad din siya. Gusto niya kasing maging flight attendant.
Mabuti pa nga siya sigurado na sa kurso na kukunin sa college.
"Dali, ikaw naman ang make up-an ko!" Excited niyang sabi nang matapos na sa pagre-retouch.
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Huwag na! Punta na tayo ng faculty!" Akmang tatayo na ako at kukunin ang bag ko para isukbit sa likuran ko nang pigilan niya ako.
"Arte! Lip gloss lang ilalagay ko oh! Ang dry ng lips mo!"
Hindi na nga ako naka-angal sa kanya nang simulan na niyang lagyan ng lip gloss ang labi ko.
"I-blend mo ng maayos yong lip gloss sa labi mo." Aniya saka ako tinuruan kung paano. Kaagad ko namang ginaya ang ginawa niya. "Ayan! Perfect!"
"Ok na 'tong lip gloss! Halika na!" Baka hindi lang lip gloss ang ilagay niya sa labi ko. Baka buong mukha ko may kolorete na dahil sa kanya.
"Dapat matuto kana ring magmake up, Alexa! Don't worry, I got you! Kapag bumili ulit ako sa watsons, isasama kita. Bibili tayo ng make up for you!" Aniya.
"Hindi na..." Mas pipiliin ko pang ibili ng libro o pagkain ang pera ko kesa sa make up. Hindi rin naman ako marunong magmake up.
"Aish! Sa ayaw at sa gusto mo, ibibili kita! Makikita mo!" Ayaw niya talagang magpatalo. "Sobrang ganda mo na pero mas gaganda ka kapag nagmake up!"
"Hindi na nga, Betty—"
Natigil ako sa pagsasalita nang mahagip ng mata ko ang taong nasa may pintuan ng classroom namin.
Kausap siya ngayon ni Camille na tila nahihiya pa nga pero panay ang ngiti sa kanya habang mahina naman silang tinutukso ng mga kaibigan ni Camille.
Nangunot ang noo ko. Anong ginagawa niya rito?
"Ahh, oo. Nandito pa si Alexa. Ayon oh..." Parehong tumingin sa gawi ko ang dalawa at kaagad na nagtama ang paningin naming dalawa.
Magaan siyang ngumiti sa 'kin habang nakatingin pa rin sa 'kin. Naputol lang ang tingin ko sa kanya nang sikuhin ako ng kaibigan.
"Anong ginagawa niyan dito? May usapan kayo?" Tanong sa 'kin ni Betty pero may nang-aasar na tono sa pananalita.
Kaagad ko namang siyang inirapan. "Sasabihan ko na lang siya na hindi kami matutuloy ngayon sa coffee shop." Sabi ko naman. "At ikaw naman, halika na. Pupunta pa tayo ng faculty, sasamahan mo 'ko."
Nang marinig ang huli kong sinabi ay bigla siyang napasinghap habang nakatingin sa cellphone niya.
"Ay shit! Sorry, bes! Hindi pala kita masasamahan, magme-meet up pa pala kami ni jowabells ko. Birthday raw ngayon ng Mama niya!" Bigla niyang sabi.
"Ano?" Biglaan naman? Siya pa nga ang nagpresentang samahan ako sa faculty ah!
Naguguluhang nakatingin lamang ako sa kanyang mabilis nililigpit ang mga gamit niya at nang natapos ay mabilis isinukbit ang bag niya sa balikat.
"T-Teka! Sinong sasama sa 'kin?" Taranta kong tanong. Kaya nga ako magpapasama sa kanya eh. Nahihiya akong magpunta sa faculty ng mag-isa!
"Magpasama kana lang kay Pres!" Aniya habang nagmamadali at ngayo'y paalis na.
"Ano? Hindi pwede!"
"Bye, Alexa! Sorry, bawi ako next time! Mwuah!" Patungo na ito ngayon sa may pintuan, dala ang bag niya. Nag flying kiss na lamang ito bilang paalam sa 'kin at iniwan na nga ako. She even said good bye to Cedric na nadaanan niya sa pintuan bago nakaalis. Nagpaalam din sa kanya ang huli bago tuluyang lumapit sa gawi ko.
Betty, nakakainis ka!
KAMU SEDANG MEMBACA
Out of Script [ONGOING]
Romansa(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 8
Mulai dari awal
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)