Muli siyang umiling. Akmang magsasalita ngunit natigil dahil sa biglang pagtunog ng cellphone niya at umilaw iyon. Dahil sa pagiging kuryuso, sabay kaming napatingin sa cellphone niyang umilaw. Nakita kong may nagtext sa kanya. Nagnotif iyon at nakita sa lock screen ng cellphone niya.

Adele Mendoza

Kakahatid ko lang ng dinner sa bahay niyo. Sabi ni Ma'am wala kapa raw. Pero eat well! Sana kainin mo ang binigay kong food sa inyo:)

Parang may biglang kung anong pait ang lumukob sa sistema ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit isinawalang bahala ko na lang 'yon. Ayaw ko ring pangalanan kung ano iyon at kung bakit ko iyon nararamdaman ngayon.

Wow, hinahatiran siya ng dinner sa bahay nila. Ang thoughtful naman kapag friend lang. Girlfriend niya siguro 'yon, ano?

"Umuwi kana. Bukas nalang ulit." Sinimulan ko ng iligpit ang mga gamit ko.

"Danise..." He tried to stop me but I didn't let him.

"Paniguradong hinahanap kana sa inyo. Sa susunod na lang."

Hindi ko alam kung paano ko siya napilit na umuwi na. Basta pareho kaming tahimik na bumaba at hinatid ko pa siya sa mismong labas ng pintuan namin nang hindi kami nag-iimikang dalawa.

"Huy! Ba't ngayon ka lang pumasok? May biglang quiz kanina sa dalawang subject!" Kaagad na bunganga sa 'kin ni Betty pagkapasok sa classroom.

Tanghali na ako pumasok dahil late akong nagising kaninang umaga. Medyo masakit din ang ulo dahil sa hangover. Napainom kasi ako kagabi.

"Nasa bahay namin kagabi ang mga pinsan ko. Nagsleep over tapos nagka-ayaan uminom. Napilit nila ako..." Sagot ko sa kanya matapos maupo sa upuan ko habang marahang hinihilot ang gilid ng ulo ko kung saan banda kumikirot.

Ang upuan niyang naka-arrange paharap ay ngayo'y patagilid niyang iniharap sa 'kin. Nasa akin ang buong atensiyon.

"Himala at nalasing ka! Akala ko ba hindi ka gaano umiinom? Bakit? May problema kaba?" Usisa niya.

Kapag uminom ba, may problema na kaagad? Hindi ba pwedeng uminom ako kasi gusto ko?

Umiling ako. "Wala akong problema, okay?"

"Eh, kung gano'n—"

"Nandiyan na si Miss!" Mabilis inayos ni Betty ang kanyang upuan sa dating ayos dahil sa narinig naming sabi ng isa sa mga kaklase namin.

"Mamaya na lang ulit!" Bulong sa 'kin ni Betty nang pumasok na nga ang teacher namin sa unang subject namin ngayong hapon.

"Good afternoon, everyone."

Nang natapos ang oras ng isang subject namin ay mabilis ding pumasok ang isa pang teacher namin sa hapon. Hanggang sa natapos na nga kami.

Akalain mo 'yon, kung kailan absent ako kanina, nagpa quiz. Tapos ngayong nandito ako, nagdi-discuss lang ang mga teacher namin.

"Uy, Camille! Crush mo oh!" Rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Camille sa room namin.

Dahil tapos na ang klase, diretso nagsi alisan ang mga kaklase namin. Iilan na lamang ang narito. Ako, si Betty, grupo nina Camille at ang mga cleaners sa araw na ito.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now