"Thank you, Kuya." Dahil sa kanya ay hindi ko na kailangang bumaba para kumuha ng snacks namin.

"Hindi mo naman sinabing anak ni Mrs. Costillejo pala ang tutor na tinutukoy mo, bunso." Aniya. "Magaling din naman ako sa math ah! Sa 'kin ka na lang sana nagpaturo. Isang libo, isang session! Promise, may matututunan ka! Worth it ang bayad mo!" Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.

Anong magaling sa math? Eh pareho nga lang kami ng grado sa math noong highschool siya. Palakol! Gusto niya lang magkapera eh!

Natawa si Kuya. "Sige, maiwan ko muna kayo. Aral mabuti!" Hanggang sa nakalabas siya ng kwarto ko at isinara ang pinto ay nanatili ang masama kong titig sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang ako nang wala na ang nakatatandang kapatid sa kuwarto ko.

"You love reading books?" Kaagad nakuha ni Cedric ang atensiyon ko nang makita ko siyang nakatayo malapit sa isang book shelves ko. Mga libro iyon na nabasa ko na at ginawang koleksyon.

"Ahh oo, kapag nasa bahay lang at walang magawa." Sagot ko naman saka siya nilapitan. "Ikaw? Nagbabasa ka rin?" Ng mga educational books, oo.

"I read a lot. But more on science-fiction aside from educational books..." Sagot niya saka humarap sa 'kin. "Most of your books here are written and published by Ana Huang. You even have the whole series of one of her masterpiece..." Normal lang ang pagkakasabi niya ngunit parang may ipinaparating siya sa 'kin. Nang tingnan ko siya ay nakangisi na siya.

Ngayon ay alam ko na ang iniisip niya! Ramdam ko ang pagsiakyatan ng dugo ko sa pisngi dahil sa nararamdamang hiya.

"Tell me, who's your favorite—" I cut him off.

"Halika na! Turuan mo na ako para makauwi kana!" Natataranta kong sabi saka siya iniwan sa harap ng book shelves ko. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang libro at binder ko.

Sa tingin at pagngisi niya, halatang may alam siya tungkol sa kung anong laman ng mga librong iyon! Pero ano naman sa kanya kung nagbabasa ako ng gano'ng klaseng libro?!

"Don't worry. I won't judge you." Aniya nang makalapit na sa 'kin. Naupo na rin siya sa kama ko.

Dahil isa lang ang upuan ko, dito na lang kami sa kama ko. At nag-umpisa na nga kami. Pinarecall niya sa 'kin ang huling topic na inadvance study namin saka siya may pinasolve sa 'king equation. Habang tinuturuan niya ako ay kumakain din kami ng dinala ni Kuya na snack.

"Tapos na!" Sabay pakita sa kanya ng papel na sinasagutan ko ngunit natigilan din nang makita siyang hawak-hawak ang cellphone niya at mukhang may binabasa.

Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya kaagad niyang pinatay at binaba ang cellphone niya.

"You done? Let me see..." Kinuha niya sa 'kin ang papel at tiningnan iyon. Chinicheck kung tama ba ang mga sagot at solving ko.

"Pinapauwi kana ba?" Tanong ko. Mabilis naman siyang nag-angat sa 'kin ng tingin at umiling.

"Pwede ka ng umuwi pagkatapos mong icheck ang paper ko. Anong oras na rin. Nakakahiya kay Ma'am Costillejo, dahil sa 'kin palagi ka ng ginagabi ng uwi." Iyon ang palagi kong iniisip tuwing nasa coffee shop kami at aabutin doon ng ala syete. Hindi ba siya hahanapin sa kanila?

Out of Script [ONGOING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora