"Come here, Ms. Secretary..." Pagtawag niya sa 'kin. Dahil ako ang secretary sa room namin, tumayo na ako at dahan-dahang lumapit sa kanya.
"Madami ba?" Pauna kong tanong sa kanya nang makalapit sa gawi niya.
I just heard him chuckled softly. "Don't worry, mga two to three pages lang naman. Lalabas daw kasi 'to sa summative test niyo kaya kailangang i-take down notes." Sagot niya naman saka ipinakita sa 'kin kung gaano kadami ang isusulat ko at ilang pages iyon.
"Madami ba? Pwede naman akong magtawag ng papalit sa 'yo kapag nangalay kana at sumakit ang kamay mo..." Marahan niyang sabi. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa sobrang lapit namin ngayon habang ipinapakita niya sa 'kin ang libro at kung saan ako unang magsisimulang magsulat.
Napailing-iling naman ako saka siya tiningnan. Bahagya pa akong napaatras nang mapagtantong sobrang lapit nga namin sa isa't isa. Nakatingala pa ako ng kaunti dahil mas matangkad siya sa 'kin.
"H-Hindi... Ayos lang. Kaya ko naman lahat isulat 'to... at kung hindi rin maabutan ng oras." Saad ko saka ngumiti ng kaunti, tinatakpan ang medyo awkward na pakiramdam.
"Pasensya kana. Sabi kasi ni Mama— I mean Ma'am Costillejo, kailangan kong ipasulat sa secretary para makita ko ngang nagsusulat ang mga kaklase mo at hindi lang basta puro picture. Iche-check ko rin kasi ang notes niyo asides sa attendance niyo ngayon..." Mahaba niyang paliwanag.
Napatango ako. Naiintindihan ko. Isa pa, nautusan lang din naman siya ng Mama niya.
"Sige, isusulat ko na..." Sabi ko saka tiningnan ang libro na hawak niya. Kaagad naman niyang nakuha ang ibig kong ipahiwatig kaya mabilis niyang iniabot sa 'kin ang libro. Muli niyang itiniro ang parte kung saan ako unang magsisimula hanggang sa huling parte na isusulat ko.
Nagsimula na nga akong magsulat sa whiteboard. Nakita ko ring nagsikuha na ang mga kaklase ko sa notebook nila habang nagsisimula ng tawagin ni Cedric ang mga kaklase ko para sa attendance.
"Aguirre..."
"Present!"
"Apostol..."
"Present na present!"
Napailing-iling na lamang ako dahil habang nagsusulat ako sa whiteboard at nakatalikod sa mga kaklase ko ay rinig na rinig ko ang ingay at pagtatawanan nila. Lalo na ng mga lalaki sa likod.
"Everyone, hindi ko kayo pinagbabawalan na mag-usap at magtawanan but please minimize your voice. Nakakaisturbo kayo sa iba niyong classmate. Also, may nagkaklase rin sa kabilang room. Make sure na bago matapos ang time, may nasulat kayo. Iche-check ko ang notes niyo. Your attendance for today will not be recorded if wala kayong notes." Cedric said. Dahilan para marinig ko ang pananahimik nila.
"Gsgo, iche-check pala 'yong notes!"
"Nasa kabilang whiteboard na si Alexa! Baka burahin niya kaagad 'yong sa kabila kapag natapos!"
"Hoy! Pakopya ako sa una!"
Napailing-iling na lamang ako. Paniguradong 'yong mga lalaki sa likod ang naririnig ko.
Kung hindi pa sinabi ni Cedric na hindi recorded and attendance nila ngayon kapag wala silang notes, hindi talaga siguro sila magsusulat. Ngayon naiintindihan ko kung bakit gusto ipasulat ni Ma'am Costillejo itong notes ngayon. Habang patagal nang patagal, nagiging tamad na ang mga estudyante sa pagsusulat ng notes at umaasa na lang sa pagkuha ng picture. Isang picture lang ng notes, okay na, iyon na.
Technology is good. It makes our life easier. But don't overuse it.
Nakailang erase rin ako sa whiteboard para magsulat sa magkabilaan. Hanggang sa natapos din ako at kaagad na ibinigay kay Cedric ang libro.
"Tapos na..." Napatingin naman siya sa 'kin saka ngumiti. Nakaupo siya sa may teacher's table. Sa gitna. Sa harap ng mga kaklase ko.
"Masakit ba ang kamay mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya ngunit kaagad din akong nakabawi.
Napailing-iling ako. "Ahh... Hindi naman. Ayos lang, hindi naman masakit. Kulang pa nga yata ang sinulat ko eh..." Nagawa ko pang magbiro.
"Let me see..." Aniya. Muling nanlaki ang mga mata ko saka saglit na napatingin sa paligid. Abala pa ang lahat sa pagsusulat.
Dahan-dahan ko namang ipinakita sa kanya ang kaliwa kong palad. Medyo namumula iyon pero hindi naman masakit.
"So you're... left handed?" Namamangha niyang tanong.
"Oo, bakit? May problema ba?" Tanong ko rin. Umiling lamang siya saka muling ngumiti.
Ngayon ko lang biglang napansin na kapag ngingiti siya ay may kaunting biloy na nagpapakita sa kanang pisngi niya.
"It's reddish, hindi ba masakit?" Tanong niya pa.
Umiling ako. "Hindi,"
Napatango siya. "Okay, good to hear that. You can sit and relax now on your chair." Aniya. "Thank you, Alexa..."
I stifled a small smile. "You're welcome!" Before I went back to my chair.
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 4
Start from the beginning
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)