Napabuntong hininga na lamang ako bago siya binalingan ng tingin. Tingin na pagod na sa kanya. "Alam mo, Kuya? Kapag pinagpatuloy mo 'yan, hindi na kami tatagal ni Ate. Kung hindi lugaw, hilaw naman."
Partida, nakarice cooker na lahat-lahat, kung hindi sobra sa sabaw, kulang namang sa tubig ang sinaing niya.
Napakamot naman ito sa kanyang batok habang natatawa ngunit natigil din nang tingnan ko siya ng masama.
Natapos ang buong weekend sa paglalaba ko at paglilinis ng bahay. Naging abala ako at ngayon ay pasukan na ulit.
"Good morning, Alexa!" Kaagad na bati sa 'kin ni Betty pagkapasok ko sa room namin at naupo sa arm chair ko. As always, siya ang palaging nauuna sa 'ming dalawa.
"Good morning..." Bati ko rin sa kanya pabalik.
"May General Assembly raw na magaganap this coming friday. Sinong a-attend sa 'yo?" Kaagad niyang dada.
Nangunot ang noo ko saka siya hinarap at binalingan ng atensiyon. "General Assembly?"
Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Hindi ka na naman nagbabasa! Nag-announce si Ma'am Gomez sa gc natin na may meeting ng mga parents sa friday. Tapos to be follow 'yong PTA Homeroom Meeting." Aniya. "Ano bang silbi niyang cellphone mo at ayan tuloy, hindi ka palaging updated!"
Inirapan ko siya. "Busy ako sa bahay namin." Sagot ko naman. "Dating gawi, baka wala ring umattend. Meeting lang naman, balitaan mo na lang ulit ako kung anong pinag-usapan sa meeting."
"Fine!" Ani Betty, walang magawa. "Mamaya ulit, parating na si Miss..." Nagsi-ayos na kaming lahat nang may nagsabing parating na raw ang first subject teacher namin.
Nang sumapit ang lunch break, kaagad kaming nagtungo ni Betty sa canteen para pumila at bumili ng tanghalian namin. Nang nakabili na ay humanap na kami ng mauupuan.
Medyo tulala pa nga ako dahil sa naging klase namin sa GenMath. Walang pumasok sa utak ko!
Sino ba namang gaganahan maglunch kapag 'yong utak mo naiwan sa room, kakaisip kung paano nasolve ng teacher 'yong problem na binigay niya kanina sa 'min. Walang naglakas ng loob na sumagot kanina kaya sa huli ay siya rin ang nagsolve ng problem na isinulat niya sa whiteboard.
"I feel you, Alexa. Maski ako hindi alam kung paano ginawa ni Ma'am Gomez 'yon!" Mukhang napansin din ni Betty ang pagiging tulala ko at wala sa sarili habang kumakain kami. "Pero kailangan nating kumain! May klase pa tayo sa dalawang subject! FABM na naman mamaya!" Bakas sa boses ni Betty ang pagkadisgusto sa huling subject namin ngayong araw. Major pa naman din namin.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Mabilis ang takbo ng oras at last subject na namin. Inaasahan na namin ngayon na si Mrs. Costillejo na ulit ang pupunta dahil baka magaling na siya. Pero gano'n na lang gulat ko nang makitang pumasok sa loob ng classroom namin ang anak niya. Si Cedric...
Nasaan si Ma'am Costillejo?
"Good afternoon, everyone. Alam kong nagsasawa na kayo sa pagmumukha ko but Mrs. Costillejo is not yet around. Bukas pa siya makakapasok. As for now, you take down notes. Who's your class secretary?" Cedric said. Lahat ng kaklase ko ay napabaling sa 'kin saka ako itinuro. Kaya napatingin din siya sa 'kin saka bahagyang ngumiti.
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 4
Start from the beginning
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)