Maaring isa na ako sa mga unang nakaview ng my day niya! Baka nga ako pa ang pinaka-unang nakaview!

Nakakahiya! Una ay inadd friend ko siya, ngayon isa naman ako sa mga unang nakaview ng kaka-my day niya lang?! Ano pa bang mga impulsive actions ang gagawin ko?

Before I logged out, nagtungo muna ako sa messenger ko. Nagbabasa-basa sa gc kung sakaling may biglaang announcement na naman o hindi kaya ay assignment na sinend lang sa mga gc namin ng mga teachers. Luckily, wala naman. Mukhang payapa ang weekend ko.

Pero mukhang ayaw pa talaga akong maglogged out ng kung sino, dahil kung kailan papatayin ko na sana ang wifi sa cellphone ko, bigla ko namang nakita ang profile niya sa dashboard ng messenger ko. May notes siya.

Exhausting but fulfilling...

Ayan ang nakalagay sa notes niya.

Of course, reasonable na pagod siya. No need to question it. Hindi rin madali ang ginawa nilang pamimigay ng mga relief goods kahit nag-aabot lang sila. Maybe they also help other people and assist them para matingnan kung sakaling may iba sa mga taong nasunugan ang nagkaroon ng komplikasyon.

It is not easy to help everyone as how other people see it. Hindi ka lang basta-basta mamimigay at tutulong, you will also hear their cries for being happy after they receive the relief goods or the other way around, you will also hear their rants and demands after you help them.

Suddenly, I had the urge to also post a notes that I will do for the first time. Saying...

Rest well. You did a great job today.

I posted it five minutes ago. I was just staring at my notes, katabi ng profile niya na may notes niya sa ibabaw. Mukha tuloy kaming nagpaparinigang dalawa sa notes.

I sighed and shook my head. I was about to log out already when I received a new message that popped up.

Cedric Costillejo

I will. You too, Alexa. Good night:)

Shit. He replied... to my notes!

Kinaumagahan. Dahil sabado at walang pasok, late na akong nagising. Hindi lang dahil sa walang pasok kaya anong oras na ako nagising, kung hindi ay dahil din hindi ako pinatulog kagabi ng reply niya.

Sabi niya good night pero napuyat ako dahil sa biglang reply niya. Hindi tuloy kaagad ako nakatulog kagabi!

"Oh? Tinanghali ka yata, bunso?" Bungad sa 'kin ni Kuya Rai pagkababa ko at kaagad nagtungo sa kusina para makakain.

Hindi ako umimik at naupo na lang. Mabilis naman siyang naglatag ng plato at mga kubyertos sa harapan ko.

"Natutulog pa si Ate kaya ako na ang nagpresintang magluto ng pagkain natin ngayon. Nagsaing na rin ako." Kaagad akong napatingin sa kanya. Lugaw na naman! "Hep! Huwag mo 'kong tingnan ng ganyan! Ang judgemental mo naman, bunso! Siyempre, there's always a room for improvement, ika nga. 'Yong mga sinaing ko dati, practice pa lang 'yon. Ngayon, sinisigurado kong perfect na ang pagkakaluto ng kanin natin!" Lintaya niya. Pero hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Tingin na tila sawa na sa mga sinasabi niya.

Magsasayang lamang ako ng laway para sumagot kaya hindi na lamang ako nag-abala pang magsalita. Nagsimula na rin siyang lagyan ng kanin ang plato ko. Pero kaagad kong napansin ang pagkakaluto niya sa kanin.

Out of Script [ONGOING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora