"Uy! May hinahanap ka ba? Kanina ka pa palinga-linga? Tulungan kita!" Ani Betty. Mukhang napansin niya rin ang panay lingon ko. Lalo na sa may pintuan. Tinitingnan ang bawat pumapasok na estudyante sa loob ng canteen.
Inilingan ko siya. "Wala, kumain na nga lang tayo..." Nasabi ko na lang sa kanya. Nililihis ang usapan upang hindi na siya magtanong at mang-usisa pa.
Nang tapos na kaming kumain at nakabalik na rin sa room namin ay halos hindi na madrawing ang mukha ko.
Nasaan ba siya? Saan siya kumain ng lunch niya? Kumain nga ba siya? Sinong kasama niyang kumain?
Ang daming tanong sa isipan ko na hindi ko masagot-sagot, na hanggang sa P.E class namin ay dala-dala ko iyon at iniisip.
Buong araw ko siyang hindi nakita sa campus namin. Kahit no'ng pauwi na kami ng alas tres dahil P.E na lang ang subject namin ngayong hapon ng biyernes ay hindi ko pa rin talaga siya nakita kahit bago man lang ulit mag weekend.
Inaya pa muna ako nina Betty at ng iba naming kaklase na tumambay sa may milktea shop sa labas ng school. Dahil maaga pa naman ay pumayag na ako, tutal ay wala naman akong gagawin sa bahay namin kung hindi ang magmukmok hanggang sa linggo.
As usual, hindi na naman nawala ang pangba-backstub ng iba naming kasama sa ibang naming kaklase na sipsip raw kuno at pabida. Well, hindi na bago ang gano'n sa bawat classroom at section. Lahat naman yata may encounter ng mga taong sipsip at pabida.
I'm lucky then, I'm not that kind of classmate. Baka ginawa na rin nila akong pulutan sa bawat kwento nila katulad ngayon. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinag-uusapan ako ng hindi ko alam.
"Anyways! I heard na wala raw pala ngayong araw ang mga SSG sa campus natin. They are all excused para tumulong na mamigay ng relief goods sa mga nasunugan doon sa kabilang barangay..."
I was sipping on my own milktea, minding my own business, when suddenly I heard that from one of my classmate. I stiffened. Mula sa pangbabackstub ay napunta sa mga SSG at sunog sa kabilang barangay noong nakaraan ang topic nila. Just how fast they suddenly changed the topic to a better one.
"Oo nga! Ang laki rin kasi no'ng apoy. Halos buong barangay ang nasunog."
"Mabilis kumalat ang apoy, gawa ba naman sa mga light materials ang mga kabahayan doon."
"Sobrang delikado, ano? Madaling araw daw nangyari ang sunog eh."
Kanya-kanya sila sa pagbibigay ng mga opinyon nila. Pati nga si Betty ay nakisali.
"Kaya pala may biglaang ambagan noong nakaraan, ano? Nainis pa nga ako kay Camille. Akala ko para sa funds natin no'ng una. Para pala pandagdag budget sa mga paniguradong ibinigay nila ngayong mga relief goods sa kabilang barangay." Sabi ni Betty. Kaagad namang nagsisang-ayunan ang mga kasamahan namin.
Totoo kasing may biglang ambagan din noong nakaraan, plus points daw sa major subject sabi ng adviser namin kaya nagsi-ambagan kami.
Kung gano'n... Kaya pala wala siya at hindi ko siya nakita kahit saang sulok ng campus buong araw. He's busy...
Siya ang SSG President, paniguradong siya pa nga mismo ang nanguna para magvolunteer na pumunta at tumulong doon na mamigay ng relief goods sa kabilang barangay na nasunugan.
Masyado naman niyang ginagalingan. Matalino na nga at talentadong tao, matulungin pa at may awa? Ano pa?
Alas sais na ng gabi ako nakauwi. Nasa sala si Kuya Rai kasama ang mga tropa niya na kaagad akong binati pagkapasok ko.
"Bunso, pakipatay na no'ng rice cooker. Luto na yata 'yong kanin. Kumain kana. Nakapagluto na si Ate kanina bago umalis." Ani Kuya pagkatapos tunggain ang can beer na hawak. Inom na naman.
Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin ngunit ngumisi lamang siya.
"Kalbo!" Asik ko saka padabog na nagtungo sa kusina namin para tanggalin mula sa pagkakasaksak ang rice cooker. Kung siya ang nagluto ng kanin namin, paniguradong lugaw na naman ang kakainin namin!
"Aba't! Hoy!"
Narinig ko pang inasar siya ng mga kaibigan niyang pare-pareho lang din sila ng mga tupi sa buhok. Mga semi-calvo.
Hindi nga ako nagkamali. Dahil pagbukas ko pa lang ng rice cooker namin ay kaagad na bumungad sa 'kin ang kanin naming nasobrahan na naman niya sa paglagay ng tubig.
"Kalbo nga!"
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 3
Start from the beginning
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)