Nasaksihan ko noon kung paano siya umiiyak habang nag-aaral at hindi na alam kung anong uunahin. Umabot pa sa puntong nakikita ko na siya sa loob ng kwarto niya na may bitbit na rosaryo habang nag-aaral.
It must be really hard for her. Lalo na at siya ang panganay sa 'ming tatlo. Pasan-pasan niya ang pressure bilang Ate. Na bilang panganay, dapat maging successful siya.
But no one's forcing her to be successful. No one's pressuring her. Hindi naman siya pinipressure. Masaya na rin sa Mama basta ba makapagtapos lang kaming tatlo sa pag-aaral. But people can't stop the feeling of being pressured. Lalo na kung sa sarili mo, eager ka ring maging successful.
Sino ba namang hindi gusto sumakses?
Thinking about my own future, wala akong maisip. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong napupusuan na career.
Siguro kasi after ng college, sa pag-aasawa rin naman ang bagsak ko, ano?
Pagkauwi, ang tanging naiisip ko na lamang ay ang malambot kong kama. Mahihiga ako roon at matutulog ng mahimbing.
Ngunit sa labas pa lang ng bahay namin ay mukhang nakaconnect na ang cellphone ko sa wifi namin sa bahay. Wala akong load, kaya nang makaconnect iyon sa wifi namin sa labas pa lang ng bahay ay rinig ko na ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko sa rami ng notifications na nagpa-pop up.
Ayaw ko na sanang tingnan ngunit nakakairita ang sunod-sunod na tunog niyon dahil sa mga notifications. Papasok na ako sa loob ng bahay namin nang tingnan ko ang cellphone ko para sana i-silent mode nang may kung anong nakapukaw ng atensiyon sa 'kin. Sa pagkataranta ay dali-dali kong inopen ang messenger ko para mabasa ang mensahe.
Cedric Costillejo
Hi, congrats! You did great earlier, isa ka sa mga highest kanina sa quiz. Keep it up:)
After I read that message from him, tumigil din saglit ang tibok ng puso ko. Napatulala ako.
Did he just... make a first move?
Alexandria Danise
Thank you!
Btw, thank you rin no'ng nakaraan.
Mas inuna mo pa akong dalhin sa clinic kesa pumila at bumili
ng lunch mo.
Alexandria Danise
Baka nga rin nalate kana no'n
dahil anong oras na at malapit ng
matapos ang lunch break.
Cedric Costillejo
No worries.
That's it.
It may just a small interaction with him. But suddenly, it made me... smile the whole night.
The next morning, there's a small hope for me that maybe I can see him again in the canteen when it is finally our lunch break. Sa room na nga lang sana kami ni Betty kakain dahil pareho kaming may dalang baon pero nagrason ako na hindi ko gusto ang ulam ko para makapunta kami sa canteen at doon na rin kumain.
I roamed my eyes in each corner. Talagang sinuyod ng tingin ko maski ang mga pinagkasuluk-sulokan ng canteen. Pero wala. Hindi ko siya nakita...
ESTÁS LEYENDO
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 3
Comenzar desde el principio
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)