Nang nakabili na ay kaagad kaming humanap ng bakanteng pwesto ni Betty na mauupuan at nang makakain na.

Ngunit nagkataon nga naman, nasa kabilang lamesa lang namin nakaupo ang lalaking dahilan kung bakit ako napuyat kagabi.

He accepted my friend request last night.

And now, he's with his circle of friends, I guess. They're eating and almost done.

Circle of friends tapos lahat sila mga grupo ng matatalino.

Like in the clinic, he maybe feel that someone is staring at him. Nang mag-angat siya ng tingin ay kaagad na nagtama ang paningin naming dalawa ngunit ako rin ang unang umiwas at nagsimula ng kumain katulad ni Betty. Ramdam ko pa rin ang titig na ipinupukol niya sa 'kin ngunit hindi ko na siya nilingon sa gawi niya at nagfocus na lang sa kinakain.

Mabilis ang takbo ng oras. Last subject na namin at kahit papaano ay nakapagreview na ako para sa quiz namin ngayong hapon. Kung sakaling maliit lang ang score ko sa quiz ngayon, babawiin ko na lang sa mga summative test namin.

Talagang dinaan sa cram ang pagre-review.

Katulad ng nasa isip, inaasahan ko ng baka co-teacher lang din ni Ma'am Costillejo ang magha-handle muna sa class namin ngayon at magpapaquiz sa 'min.

Kaya naman nang biglang pumasok sa loob ng classroom namin ang isang pamilyar na bulto ng tao ay gano'n na lang ang pagkatigil ko. Maski ang mga kaklase ko ay natahimik saka nagsibalik at umayos sa kanilang mga mismong upuan.

"Good afternoon, everyone. Alam niyo na sigurong wala si Mrs. Costillejo ngayon, but still we will going to continue the quiz. Please, settle down and get one-half lengthwise." Cedric said in front of us.

Ngali-ngali namang sumunod ang mga kaklase ko at kumuha sa kanilang mga kanya-kanyang bag ng mga papel nila para sa quiz. Ang iba pa nga ay tumayo para manghingi sa ibang may papel.

Habang ako naman ay nakatulala lang sa harapan, sinasalubong ang titig na ipinupukol sa 'kin ng taong nasa harapan at nakatayo.

Natauhan lamang ako nang abutan ako ni Betty ng one-half lengthwise, kahati ng kanya. Kaagad ko naman iyong tinanggap at sinulatan ng pangalan ko.

"Number one..." Lahat kami sa classroom ay natahimik na habang hinihintay ang idudugtong niya. "It refers to the basic assumptions and rules and principles, which work as the basis of recoding of business transactions and preparing accounts..."

Seventeen over twenty. Three mistakes. Not bad para sa review na dinaan lang sa pagka-cram.

Sa wakas, makakauwi na rin at makakapagpahinga.

Just imagine, papasok sa eskwelahan at mananatili roon sa loob ng sampong oras pero pagkatapos ng buong araw, uuwing lantang-gulay. Pagod at gusto na lang magpahinga kaagad. Paulit-ulit iyon sa limang araw bago ang dalawang araw na weekend. Paano na lang kaya kung sa college?

I witnessed the struggles my Ate during her first, second, and third year in college. Sobrang hirap at alam kong hindi madali iyon para sa kanya pero nakaya niya. She give all her best at sa susunod na taon ay magtatapos na siya sa college pagkatapos ay magte-take ng board exam para maging Certified Public Accountant or CPA.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now