Sabrina M. Costillejo
Proud to be a mother of these two brilliant and handsome kids. Always remember that Mama will always be proud to the both of you, mga anak ko. Mahal namin kayo ni Papa❤️❤️
That's what I read on the caption with the picture of their family. Si Mrs. Costillejo kasama ang asawa niya na kamukhang-kamukha ng dalawa nilang anak na si Cedric at ang isa na paniguradong Kuya niya. This was taken just last school year base sa kung kailan ipinost ni Ma'am. Halata sa mukha ng mag-asawa ang pagiging masaya para sa mga anak.
Kung si Cedric ay valedictorian namin no'ng junior highschool nang gumraduate, ang kuya naman niya ay valedictorian sa batch nila no'ng gumraduate sa senior highschool last school year din.
"Grabe, ang tatalino! Anong sekreto ng mga 'to?" Kausap ko sa sarili habang manghang-mangha sa mga nakikitang post ni Mrs. Costillejo.
Nagpatuloy pa ako sa pagscro-scroll at habang pagtagal nang patagal ay pansin kong puro achievements ng mga anak niya ang pinopost niya at kung paano siya kaproud bilang ina sa mga anak niya lalo't parehong mga barako ang anak niya. Minsanan lang talaga magkaroon ng anak na lalaki na more on academics. Siguro dahil na rin sa parehong professional ang trabaho ng mga magulang nila kaya mas pursigedo ang mga ito mag-aral at may pake sa edukasyon. Teacher pa naman din ang mismong ina nila.
Hindi ko namalayang natutuwa na pala ako sa pagscro-scroll lalo't patagal nang patagal ay nakikita ko na ang dating mga picture nilang magkakapatid. Nasa puntong napapahagikgik na ako sa nakikitang picture dahil ang cute nilang tingnan dalawa ng Kuya niya. Hindi mapagkakailang parehong may itsura at ibubuga ang dalawang anak ni Ma'am Costillejo.
Hanggang sa umabot na rin ako sa mga comment section at nagbabasa-basa ng mga komento ng mga kaibigan at kakilala ni Ma'am na nagkokomento sa mga post niya.
Cecilia Romualdez:
Manang-mana talaga kay kumpare! Lalo na si @Cedric Costillejo oh🤗
Bigla akong napaahon nang makita at mabasa ang comment na 'yon.
Siya ba 'to? Account niya ba 'tong minention ng isa sa mga kaibigan ng Mama niya?
Isa lang naman ang paraan para malaman.
Pikit-mata na buong tapang kong pinindot ang nasa comment section na nakahighlight ng kulay light blue at sa isang iglap ay dinala ako nito sa panibagong wall. Sa isang account na nagbabakasaling siya nga iyon.
Pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang makitang nakalock ang profile niya. Hindi ko makita ang mga post niya. Ang tanging nakikita ko lang ay ang profile picture niyang pina-candid pa ang kuha. Iyon lang.
At ang tanging paraan lamang para makita ko ang mga post niya ay kung ia-add friend ko siya.
Na hindi ko gagawin! Bakit ko naman siya ia-add friend? Close ba kami? Nakakahiya kaya!
But later on, I already found myself clicking the "Add Friend" button. It's already too late. Ika-cancel ko pa ba? Gayong panigurado ay nagpop-up na sa kanya ang friend request ko.
Shet. Shet. Shet. Pinakbet.
Seconds after seconds. Minutes after minutes. I waited. Hindi ako mapakali habang naghihintay sa kung ano mang himala sa loob ng kwarto ko. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at naisipan na munang maglogged out at iwan saglit ang cellphone ko sa kwarto para bumaba at makakain ng hapunan.
Pareho pa kaming nagkagulatan ni Kuya Rai na nauna na sa 'king kumain. Naka-uniform pa ito at mukhang kakauwi lang galing sa school niya. He's third year college now. Sa isang maritime academy nag-aaral. Graduating sa sila halos ni Ate tapos ako na lang ang natitirang magka-college pa lang.
"Oh, bunso! Kain kana rin. Akala ko kumain kana..." Ani Kuya Rai na ngayo'y nagliligpit na ng pinakainan niya.
"Opo, ito na nga, kakain na..." Tugon ko naman. "Patay ka na naman kay Ate at hindi kayo nag-abot. Iniisip na no'n na may girlfriend ka at iyon ang pinagkakagastusan mo kaya mabilis maubos ang allowance mo!" Asar ko sa kanya habang kumukuha ng plato para sa 'kin at naglagay ng kanin para makakain na.
Mabilis namang nakalapit sa 'kin si Kuya at inakbayan ako. "Aysus! Ano naman ngayon? Normal lang naman na magkaroon ng girlfriend ang gwapo mong Kuya, Alexa. Huwag na kayong magulat..." Presko nitong pagkakasabi saka bahagyang ginulo ang buhok ko na ikinairita ko.
"So meron nga? Isusumbong kita kay Mama para pag-asawahin kana lang at hindi na pag-aralin. Sige ka!" Pananakot ko gamit ang malditang boses.
"Pero siyempre, biro lang. Kapag nakasampa na ako sa barko, saka pa lang ako maggi-girlfriend. Para every port, report. Every place, replace."
YOU ARE READING
Out of Script [ONGOING]
Romance(YOUNG LOVE SERIES #1) Alexandria Danise Romano is one of the most popular showbiz artist and model in the country. From television, magazines, and billboards, you can see her ethereal beauty everywhere. Talagang sumakses! But behind those achieveme...
Chapter 2
Start from the beginning
![Out of Script [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/294327713-64-k792913.jpg)